Saturday, December 26, 2009

What a Beautiful Year (2009 Yearend Blog)

Nang tumapat na ako ng 18 years old ay marami na ding nagbago sa buhay ko. Paano ko kaya isha-share to? By the way, malapit nang matapos ang taong 2009. Parang kelan lang, naging bagong salta pa lamang ako sa lahat ng sites. Pero ngayon ko lang narealize na masaya pala ang mundo ko kapag madami akong nakikilalang bagong kaibigan, kaaway at lalo na ang bagong krass. Hahaha!!! Alam nyo, di ko expected na mas masaya ako ngayon. Sana nga, di na dapat magpalit ng taon because of that. Pero nangyari na ang nangyari. Wala akong choice. Kaya isha-share ko sa inyo ang mga pangyayaring nagaganap sa nagdaang mga buwan ng 2009. In English, let's recall some memorable moments this 2009.




January - Naging maganda ang pasok ng New Year ko. Yehey!!! Madami din ang nagbago nung bagong salta pa lamang ako sa Forums. Feeling ko, na-outcast ako dahil nga wala akong hilig sa computer. Pero ngayon, nahuhumaling na ako sa computer dahil sa kanila. Na-miss ko yun. Hahaha!!! Nung nakilala ko sio Graceth Dela Cruz (aka Cholate Ceth) via Multiply, unti-unti ko nang natutuklasan ang mundo ng Palaboy. Hahaha!!! Thanks for everything.


February - What a busy days nung CWTS class ko. Madalas na akong gumagawa ng pinapagawa sa akin ni Renante Comia (my classmate). Dito na kami mas naging close ng mga bestfriend ko na sing cute ng langgam (joke!!! Hahaha) at napakabait nila sa akin. Feeling ko, hindi na ako nag-iisa sa school kasi andyan sila palagi. Hindi sila nakakasawang kasama. Love you Juicy!!!!

March - Sa wakas!!!! Natapos na ang pagiging Freshmen ko!!! Fresh na fresh pa sa aking brain ang masayang bonding with my Juicy at eto na din ang huling buwan na makakasama ko ang TLE Majors (Miss you all lalo na kay Che). Madami na din akong masayang experience nung time na yun. Uso na sa akin ang salitang "Palusot" dahil dumadami na ang aliby ko. Nakabili din ako ng CD nila James at Rod (aka Moymoy Palaboy) sa SM Taytay. At nag-umpisa na din ako ng countdown to May 16 (anung meron? Hahaha!!!). Dito na din ako naging bihasa sa pagu-unyt. Dami kong kausap nun lalo na si Yiel at Gelu. Hahaha!!! Thanks girls!!!


April - Ang pinakamasaklap na buwan para sa akin. Biglang nagkasakit ang nanay ko. Sobrang na-miss ko siya nung nasa bahay ako ng lola ko sa QC. Huhuhu!!! Palagi siyang nagno-nose bleed pag tag-init. Kaya nagpakabit na kami ng aircon. Halos hirap na hirap siya nun sa paghinga kaya kulang na kulang ang tulog ko sa pag-aalala. Mahal ko kasi ang nanay ko kahit inaaway ko siya. Ouch!!! Pero salamat na din sa mga Forumers na nagdasal para sa recovery ng nanay ko. Nagta-take na siya ng medicine instead of surgery kasi mahirap lang kami. Salamat ha?


May - Ang pinaka-exciting na buwan para sa akin. Madami ding kaguluhan ang nangyari sa buwang ito. Umalis ang aking tatay papuntang probinsya. May kaklase ng kapatid ko na naglayas. May umaalingasaw na amoy ng basura every afternoon. Hassle noh? Pero ang pinakamagandang moment ko sa buwan na ito ay ang pagkikita namin ng favorite ko. Inindian ko muna yung Reunion kuno ng Batch namin nung High School para lang makapunta sa Robinson Metro East. Hinatak ko pa ang nanay ko. Sa sobrang excitement ko, biglang speechless ang lola nyo nang makaharap ang duo itself, MMP to the Roadfill yeah!!!


June - "I've Known you for so long,you are a friend of mine." Alam nyo na!!! Inaabangan ko na ang All My Life during these days. Super cheesy nila Aljur at Kris. Dito ko na sila mas lalong nagustuhan. Naabutan ko pa minsan yung "Dapat ka bang mahalin?" ay super bagay talaga sila. Share ko lang. Hehehe!!! Pasukan na ulit kaya madaming twist. May hatian at laglagan pa sa klase namin dahil na din sa dami ng population namin. Tuloy, na-insecure ako at bakit pa ako bumalik sa section na pinagkait sa akin. Dito na uso ang AH1N1 kaya bitin din ang regular classes. Pero ang mas nakakatuwa naman dito ay ang mapanood ang duo na nagsasalita na. Congratulations!!!! Palakpakan!!!


July - Dito na nauso ang pagpapagupit ng buhok. Nang sumikat ang kantang "Nobody" ng Wondergirls, natutuwa na ako sa mga kantang Koreano. At dito din sumikat ang "Fire" kung saan kasali sa Girl Group ng 2NE1 na si Sandara Park. Nakakagulat din yun!!! Dito din ang time na nami-miss ko na ang friends ko galing ng Hawaii. Na-miss ko na din ang bingo ni Nanay at lalo na angpinakanakakatawa, nag-post ako ng sarili kong video sa YouTube!!!! That was nung birthday ni Kuya Moymoy. Nag-thank you naman siya kasi nagustuhan niya ang boses ko. Hahaha!!!


August - Dito na ako nag-umpisa na magkaroon ng blogsite here in Blogspot. May Twitter na, may Plurk pa!! At hindi din mawawala ang Facebook na ngayon ko lang na-enhance dahil sa mga Apps nila. Dito na kami naghiwalay ni Friendster kasi laos na siya. Bwahahaha!!! Dito ko din naisulat ang pinakamagandang regalo na maibibigay ko para kay Roadfill, ang isang tula. How sweet!!!

September - Ang pinaka-horrible na buwan sa kasaysayan ng Pilipinas. Nang tinamaan ng Bagyong Ondoy ang bahay namin, parang wala lang. Signal no. 2 pero walang baha, puro hangin lang. Nakakalungkot din ito para sa aming lahat. Dahil dyan, isang linggo kaming walang klase. Namomroblema pa kami sa presentation sa EDTECH at LITERATURE 1. Asar talaga!!!! Pero salamat na din kay God dahil hindi kami binaha dito. Although, ang kalahati ng subdibisyon namin ay lagpas tao ang tubig kaya maigi naman na safe kami dito.


October - Hay salamat, Sembreak na!!! Kaso biglang two weeks ang sembreak namin. Kaasar noh? Hahaha!!! Kaya lagi na lang ako ang laman ng bahay ni April Arada (my best friend). Kainan, galaan at chikahan kami with her family. Halos di pa ako nakuntento, nagkita kami ni Jollibee at nakanood pa ako ng shooting ng Pasa-love ng GMA sa may bandang Sagbat. Trapik na nga kami pabalik oh. At marahil ay hindi nakakapagod na pumasok sa ngayon dahil pirmahan ng clearance at habulan pa sa requirements. Sobrang hectic ng sked ko.


November - Eto ang pinaka-grabeng buwan for me. Because of our schedule, nagkagulo-gulo na ang mga pangyayari. May exam everday at bonggang-bonggang recitation. At isa pa, may reporting pa. Pero ang masaya dun ay night shift kami. Kaya ako naman ang ginagabi ng uwi. Hahaha!!!! May usong tindahan na nga sa loob ng classroom kaya hindi ako nagugutom. Hahaha!!! Eto din ang muli naming pagkikita ng aking mga ka-Juicy!!!!


At may dagdag pa!!!! Dito kami nagkita ng ibang mga Forumers nang dahil sa pizza. Sobrang kakrung-krungan ang ipinamalas ko samga bagong kaibigan lalo na nung kasama ko ulit si Roadfill!!!! Ayiee!!!! At nag-take home pa ako ng isang pizza. Na-meet ko din sina Amielle, Ate Lanie, Ate Cath, Anot, Kuya Doy, Ate Haya at si Doc Rivera!!!! I love it!!!


December - Ang pinakamasayang buwan sa taong ito. Kasi birthday na, Christmas Party pa!!! Yahoo!!! I love the gifts from my friends especially kay Ate Hannah Laguardia (Thanks sa sapatos!!!) at nag-concert pa ako sa harap ng madlang tuta. Hahaha!!! Ang dami kong nameet na friends at close naman kami (Si Jeshimon, assuming na magiging close kami. Joke!!!Hahaha!!!). Naki-party din ako sa Party sa amin nang dumating ang pekeng Santa na naiwan pa ang balbas. Hahaha!!! At palapit na ang New Year!!! Yahoo!!! Daming bago ngayon kaya happy ako at dumami na ang nangyari sa akin. Di ko na pahahabain toh.

AT DITO PO NAGTATAPOS ANG TAONG 2009. SANA MAULIT MULI AT MAS SUMAYA PA ANG 2010. BAGONG DECADE NA TAYO KAYA FIGHT FTW!!!!

Blog by: Ramiecute

Wednesday, December 23, 2009

Ang Pagkikita (MMP Forums Grand EB 2009)


Merry Christmas!!!! Anyway, masaya naman ang kinalabasan ng aming bonggang-bongga at fully charged na Christmas party with Moymoy Palaboy, Roadfill and the rest of the forumers. It's my first time na umattend sa Grand EB na ito. 1 PM pa lang, lumayas na ako ng bahay all the way from Teresa, Rizal patungong Bandroom in Pasay City (ang layo noh? Almost 4 hours na ako ng bumiyahe!!!). Nakarating pa kami ng Araneta Center because of my sister na wala pang regalo para sa isa kong friend. Grabe talaga!!! hassle na ako pagsakay pa lang ng MRT dahil may phobia din ako sa masisikip (I don't know the spelling of claustophobia). At sa wakas, nakasalubong ko si Amielle with Masterpiece, Jeshimon and Aileen. Akala ko nga late na kami. What a mess!!! Hahaha!!!

Next stop, videoke time!!!Ang saya sana magvideoke kung maayos pa ang boses ko. Hahaha!!! Pero madami pa ring nagrerequest na kumanta ako (including Roadfill). Kaya dun ako binansagan na "Concert Queen". Napaka-stupid kasi ng kinakanta ko kaya pasensya na po. Hehehe!!! Saka na lang nating pag-usapan yan. Present din ang tatlong maria ni Rod (Choceth,KatrinaKills and Aica Echizen). Ang bait-bait nila sa personal. At ang kyut din ni Choceth kasi siya si Kim Chiu sa malayuan. May bitbit pa siyang Chuckie kasi lie-low muna siya sa beer. Pero ang pinakanakakatuwa, habang bumibirit ako at galit na galit ako sa mikropono, si Roadfill,parang kiti-kiti na umiikot sa buong Bandroom to show his support. hahaha!!!!

Next part ng program is Palaro!!!! Ang saya ng games. Napipilitan lang akong maglaro but sometimes, medyo di ako sinuerte na manalo sa mga laro. Hahaha!!! Buisit kasi tong mga kalaban ko eh!!!! Here are some games na pinaglaanan namin buong gabi. Here we go:


1. Hephep Hooray - In short, "Pepe,Buka" portion. Hahaha!!! May halong kabastusan ang laro noh? Si Ate Lynch ang nakaisip nun. Talo ako sa last 3 parts nun kasi baligtad pala ang gagawin ko. Aysus!!! Ang nanalo sa laro ay si Kuya Jay R, ang pinakamalibog!!! 2nd Place lang si Admin Luis at 3rd Place lng ako. At least ako ang natira sa babae kasi si Aileen, talo agad sa 1st round palang. Hahaha!!! Ang prize, isang canton with matching ribbon pa. Bongga!!!!



2. Ice Tea Racing - In short, "Sipsipin Mo Ang Tea2 Ko!!!"(iniba ko na ang spelling para sa mga batang 17 years old and below.Hahaha!!!) Madali lang ang laro, supposed to be naka-blind fold sila. Kaso,nakapikit na lang yung mga girls kasi wala silang blind fold. Sisigaw lang sila ng MMP after nila matapos ang pag-inom ng bottomless Ice Tea. Winner sila Ate Haya at Kuya Doy. Hahahaha!!! Kala nila takbuhan yung sinalihan nila kaya tumakbo si Ate Haya. Hehehe!!!

3. Stop Dance - Hosted by Kuya Moymoy. Sobrang kulit nila noh? At may showdown pa. Nanalo si Trina sa game kasi hindi nakayanan ng kapatid ko na piitin yung tawa niya. Hahaha!!! Buti na lang hindi ako sumali. Nakakangawit kasi yun. Limangdaan pa man din ang prize. Tawa ako ng tawa sa dalawa kasi para silang manika na nasa Divisoria eh. Hehehe!!!

4. Videoke Challenge (Pero ginawa na lang pa-raffle) - Hosted by Kuya Roadfill. Nagbunutan lang sila ng name at may prize pa worth php500 with pahalik sa cheeks. Hahaha!!! At isa na ako sa masuwerteng pinalad na nanalo sa palarong yun (actually,hindi siya game noh?). Nang na-experience ko ang paghalik sa isang gwapong host, napatameme ako nun afterwards. Sumunod na sinuwerte ay sina Ate Craine, Sarah and Kuya Masterpiece. Ang saya ng pagbilang ni Roadfill sa pera with matching "Congratulations" pa!!!! Hanep!!!!


5. Pinoy Henyo - My favorite!!! Ininterview muna kami ni Kuya Moymoy bago kami magstart ng game. Ang napuntang word sa akin ay "Talong". Pero napunta ako sa almusal, sa hotdog, sa itlog at bumalik sa hotdog at may kasama pang sausage. Hahaha!!! Panalos a game sina Amielle and jAssie. Napanalunan nila ay Rambbo slippers with matching rose pa at php200. Natalo si Kiki at Ate Faith kasi malapit na yung sagot eh. Tapos si Juon, tahimik masyado. At ang delikado, sina kuya Anot at Kuya Doy, nahulaan nila yung Kuto pero one second lang ang lamang ni jAssie sa kanila. That was close!!!


6. Jeepney Ride - Last game na toh. Bago muna magstart, nagbigay pa si Ate Lynch ng kakaibang pose para manalo sa trip na ito. Bongga si Jeshimon at Ate Kiki. Tumagal sila pero natalo pa din sila ng pinaka-cheesy na loveteam sa loob ng Forums, sina Trina and Luis!!! Ang kyut nga ng laman ng gift eh. Dora doll na nakabalot sa pulang gift wrapper. Kung nagkataon na manalo si Ate Kiki nun,ibabato lang niya yun kay Jeshimon kasi kakabuisit siyang kapartner. Hahaha!!!



After the party,umuwi na ako at di ko na tinapos kasi may session sila nun. Nagkataon na kinabukasan nun ay Birthday pala ni Ate Kiki. Bongga nga eh!!! Nakaabot pa siya ng last minute bago kami umalis. Hindi ko na naabutan si Yannyboi. Pero ang saya-saya ng party. Speaking of party, may mga ilang tao ako na hinding-hindi ko malilimutan nung oras na 'yun. At sila ay napaka-special sa akin. Kaya ibibigay ko na ang mga pinaka-special na Palaboy na na-meet ko:


1. Choceth - Sobrang kyut mo. Thanks sa lahat!!!
2. Trina - Keep rocking girl!!!!
3. Ate Hannah - Salamat sa sapatos. Sakto lang sa paa ko.
4. Kuya Master - You're so good to me. Thanks for everything.
5. Lynchie - Tara,videoke tayo!!! BURN!!!!
6. Jeshimon - Whatever!!! hahaha!!!
7. Aileen - Na-miss kita girl. Sa susunod ulit. Group hug!!!
8. Kuya Anot - Ang kulit mo pag kasama mo si Kuya Doy. hehehe!!!
9. Atetchi - Thanks sa lahat. I miss you!!! Aishite Imasu!!!
10. Luis - Be safe and stay cool!!!^_^
11. Kuya Jesse - Salamat po!!! Sa uulitin!!!
12. Pareng Ian - Ilove you pare!!! Paturo sa pagtugtog ng piano ha?
13. Pareng Doy - Hahaha!!! Wala lang!!!
14. Kuya Moymoy - Super thank you talaga!!! Kahit saglit ka lang pumunta sa party,masaya na ako. Napakabait mo talaga. Namimiss ko ang mga kakenkoyan mo. hehehe!!!
15. Roadfill - Wow!!! Special??? hehehe!!! Salamat sa lahat. At sana ay magustuhan mo yung iniregalo ko sa'yo. Sana palagi mo kong makakausap at sana duet tayo sa next EB. hehehe!!! Love you!!!^_^
16. Ate Haya - Super thank you din sa lahat. *wink
17. Ate Lanie - Aww...super touch ako sa dedication letter mo. Thanks po!!!
18. Ate Cath - Super thank you din po sa pagbati sa akin. Ang bait mo. Mwah!!!
19. Sarah - Nice meeting you!!!!^_^
20. Izaa - Same to you. Sana magparamdam ka din kahit minsan lang.
21. Ate Kiki - Mami ko!!! Ang taba natin!!! hahaha!!! Nice meeting you!!!
22. Manok - Ate Ellan,super thanks po sa pagbati sa akin!!!
23. Kuya Jay R - Thanks sa support. Geh!!! Kakanta lang ako para sumaya naman.
24. Ate Aica - Thanks po sa pagsayaw!!! Hahaha!!!!
25. Amielle -ang pinakalast but not the least!!!! Yehey!!! Saya-saya natin!!! Thanks sa mga gifts mo para sa akin. Sorry kung wala muna akong gift sa'yo babawi na lang ako sa debut mo. Hehehe!!! Keep safe and take care always.

Oh siya!!! Ayoko nang pahabain pa ang blog ko. Thanks a lot and I enjoyed a lot of time with you guys!!! Sa next EB ulit at sana mas malapit na sa bahay ko para hanggang umaga na ang party. Hehehe!!!!

Love you Guys!!!!^_^

Blog by: Ramiecute


Sunday, December 13, 2009

Formspring.me


I want to make my own Formspring for some important questions you want to ask. I am just curious about it. I will entertain some of your questions and also, I will answer it straight to the point. For more details, visit me at http://www.formspring.me/ramiecute Thanks a lot!!!

-Ramie

Sunday, December 6, 2009

Lakwatsa Blues



What a busy day!!! Nami-miss ko na ang pagsulat ng blog. And almost 1 month lang ako nawala sa Blogspot due to my hectic schedules inside the school. Kaya ang pag-uusapan natin ay ang paglakwatsa. Saan kaya nakukuha ang paglalakwatsa. Let's see...


Lakwatsa- Isang bagay na gustung-gusto ng isang tao para makarating sa isang lugar na kanyang ninanais. Kinakailangan lang na madami siyang dalang pera para sa pamasahe at pagkain. At higit sa lahat ay kabisado niya ang pupuntahan niya. Ayt?


Now,back to topic. Naalala ko tuloy nung nasa Cavite ako. Kasama ko noon yung kapatid ko. Bale papunta kaming Tagaytay pero bumaba n kami ng Imus. Ayun, sa Mall of Asia ang bagsak namin. Nanood lang kami ng pelikula. Tapos ang Brunch namin (breakfast and lunch) is French Fries with Cheddar Cheese Dip.Na-trauma kami nung mga oras na yun.
Palipat-lipat na kami ng sasakyan. Nag-bus kami at Taxi. Tapos, naubos na ang mga pera namin. Napagalitan pa kami ng Mama ko. Ampfness talaga.


And eto na nga, ang pinaka-memorable moments ko sa paglalakwatsa:

1. Star City - Nakakaasar pero maganda din. Nakapasok n ako ng "Snow World" na super lamig. Grrrr... At umikot-ikot pa kami sa mga Horror House. Natandaan ko dati,tinamaan ako ng malaking gagamba sa mukha paglabas ko ng Mummy House. Pasaway talaga yung gagambang yun. At higit pa diyan, kumain ako ng ice cream at umupo ako sa nakakakiliti at nakakatawang Massager. Hahaha!!!

2. SM Mall of Asia - Sayang!!!No. 2 lang siya... Lam mo kung bakit? Minsan bitin ako pag nakarating ako dito. Pero enjoy pa rin ako. Lagi ako ang laman ng Worlds of Fun. hahaha!!! Lalo na nung nasa loob ako ng I-Max Theater, with my family last Christmas, grabe!!! Ang laki pala ng screen. Bigla akong natakot. Hahaha!!!


3. Robinson Metro East - Kapitbahay ni Sta. Lucia East Grand Mall. Walking distance lang siya. Nakakita na naman ako ng happiness there. And guess what? Nakita ko na din ang Moymoy Palaboy for the first time. Sobrang happy ako nung nakamayan ko si Roadfill and James in person. Kaso,bigla akong pinalayas ng guwardiya sa backstage, kaya panget. After nun, pumunta kami sa sinehan at nanaood ng Indie Film. Sobrang pagod n ako non,pero happy!!!Naalala ko pa nga yung nagpakilala silang dalawa,tapos nung papunta na kay Roadfill yung introduction,bigla akong sumigaw. Then,tumingin si Rod ng nakangiti sa akin. Nasa front row ako nun. Tapos nun, sumagot si Kuya James, "OO NGA!!! SIYA NGA SI ROADFILL". hahaha!!!!




4. Star Mall Edsa-Shaw - Latest to ha? Madami akong na-meet na mga bagong kaibigan. At doon naging mas lalong naging close ni Roadfill. Super happy. Grabe!!! Akala ko nga,walang pupunta sa amin. From 4,naging 11 kaming lahat. Nang dahil lang sa alok na Pizza, pumunta sila. Dapat pala,me ganun noh? Hahaha!!!




5. Cafe Pizza Kitchen - EDSA Shangri-La Plaza Mall - Ang pinaka-memorable place to me. Kasi nga, first time kong pumunta sa mamahaling shopping mall na to. Madami akong nakita sa mall na ito. May Christmas Tree, may Starbucks, at may pintuan na umiikot. Hahaha!!! Natakot nga ako sa pintuang 'yun eh. Napadaan lang kami sa Cafe Pizza Kitchen, ang tambayan pala noon ni Roadfill nung office boy pa siya. I remembered that time na nanood kami ng cartoons at laro ng basketball. Naki-bonding talaga ako kay Roadfill ng bonggang-bongga with my co-forumers. Tila swerte ako nung mga oras na yun. Kumain pa kami ng apat na Pizza at lumaklak pa kami ng Bottomless Ice Tea. Nakipag-joke time pa si Roadfill sa amin habang nasa CR pa ang mga Moda (Lynch, Lanie, Cath,etc.). Biglang aksidente niyang sinabi kung ano ang ibig sabihin ng joke nya (nakadila siya na nakapikit). Then, ang ibig sabihin pala nun ay (atin-atin lang to ha?) TOMBOY NA TINIGASAN. Di ko pa nga magets ang point niya. Pero, nung sumugod si Ate Lanie at pinagalitan pa siya, napatameme siya tuloy. Hehehe!!





Siguro,tama na muna na hanggang dito na lang ang aking masaya at makasaysayang blog entry ko this Holiday Season. Watch out for my next blog about sa Christmas Party with the forumers at Bandroom Buendia this December 23, at 6:oo PM. See you there!!!!

- Ramiecute Palaboy

Thursday, October 29, 2009

Bubble Gang Series Part 10: Bubble Gang Sa Mga Mata ni Wambo




In the eyes of Ramiecute...
Ito'y kakaiba sa lahat,
Mga mata ko'y namumulat
Sa mga jokes na sumambulat
At kinagigiliwan ng lahat.
Umabot na kayo ng labing-apat na taon,
At humaba na naman ang inyong panahon
Sa pagpapatawa every Friday
All of my stress are gone all the way.
Ang aking tula ay hindi ko na pahahabain,
Sana ay patuloy nyo pa kaming patawanin.
You made you jobe great,
And stay chewing with it.
Mula pa sa umpisa,andyan na si Bitoy,
At ngayon,nadagdagan na ng Moymoy Palaboy
Lahat ng tao ay nag-eenjoy,
Lahat ng sambayanang Pinoy.
Sana ay humaba pa ang buhay
At ang samahan ninyo ay tumibay,
Lahat ng problema at goodtime
Talagang wala na kayong kapantay.
At ngayon ako'y nasa disinuebe anyos na,
Ang lahat ng katapusan ay mag-uumpisa
Salamat at ako'y naging masaya,
Sana kayo pa din hanggang sa ako'y tumanda.
I hope you enjoy my series. Salamat sa Bubble Gang at ako'y palaging nasisiyahan sa lahat ng oras,for better or for worst. Long live to all of you and God Bless us all!!!
THE END!!!!
Compliments of Ramiecute,your No. 1 fan!!!!

Bubble Gang Series Part 9: IyoTube Portion (Dedicated to Moymoy Palaboy)



IyoTube started last February 2008 featuring some of the practical tips for girls. Kung dati pa nga,dance instructional videos ang inuupload dito sa segment na toh. Ngayon, may bagong inupload na artista sa likod ng Bubble Gang. The real brothers James Ronald and Rodfil Obeso takes the centerstage for stardom. Parang nananaginip lang sila before at biglang natupad na ang kanilang mga pangarap sa pagyu-Youtube lang.

At dahil parte na sila ng longest running gag show ever, ibabahagi ko naman sa inyo ang mga videos made by them na favorite ko sa panahong naging fan na ako ng Dynamic Duo. Since October last year, dito na nag-umpisa ang kabaliwan ko sa dalawang ito. At hanggang ngayon, naaaliw pa rin sila at nagkataon talaga na friends na kami unlike before.

And so,here it goes...


1. Dancing Queen - Hahaha!!! Bakit kaya? Kasi dito nila nai-lipsynch yung kanta na hindi pa nila ginagawa sa Youtube. At eto din yung piece na gimnamit nila para ireveal ang kanilang tunay na boses. Kakatawa nga yung Mama Auntie kuno kasi kulot siya tapos biglang sumayaw. Hahaha!!!


2. Goodbye - My favorite among the rest of the videoes. Kasi nga eto yung madalas na pinapakanta sa akin ng papa ko nung bata pa ako. Since hindi ko pa sila kilala totally,paulit-ulit ko siyang pinapanood sa Youtube. Hanggang sa naging favorite ko na ang Duo because of this. Ang storya ng video nila is yung isa,magi-interpret. Ang isa naman,siya ang magli-lipsynch. Ang galing talaga nilang mag-interpret kasi based yon sa pagkakaintindi nila sa lyrics. Hahaha!!!


3. Barbie Girl - Nung unang napanood ko itong video nila,nawiwirduhan ako sa dalawa. Pero nung napanood ko sila na kinakanta nila ang Barbie Girl, ngayon ko lang naisip, sila pala yung nakatulugan ko kasi ang baduy nila at first (Sorry po kasi yun ang unang impression ko sa inyo before ko pa kayo naging idols). Ang kikay ni Roadfill sa video at naka-barbie costume pa talaga siya. Love ba niya si Cory Aquino? Hahaha!!! Yellow kasi eh.




4. Hot in Here - Ang pinakamaiinit at pinakaseksing video na nagawa nila. At first time kong napanood si Roadfill ng naghuhubad kasi hindi ko pa siya nakikitang naghuhubad sa TV. Ang kyut ng video nila kahit medyo bastos ang ending. Hahaha!!!


5. Poker Face - Ang panget ng make-up ni Diego dito. Pero nakakatawa naman sila. I love Roadfill's hair. Nagsasawa na siya sa Yellow kaya nag-pink siya dito. Si Kuya Moymoy naman, mukhang Lady Gaga talaga kahit wala siyang wig. Hehehe!!!

6. Smooth Criminal - Birthday Special for Kuya Moymoy and Special Tribute to the King of Pop, Michael Jackson. Kakatawa si Kuya Moymoy dito kasi ginaya niya si MJ nang papahiga na siya sa lupa paharap tapos may taga-kapit sa paa niya. Hahaha!!! I love it talaga.

7. Baby One More Time - Ngayon ko lang silang nakita na magka-away sa video na ito. Hahaha!!! May tompyangan pa ng dyaryo sa ulo. Special to para sa akin kasi birthday ni Roadfill nung time na yun. Hehehe!!! I love it!!!Nagawa nila to during SOP tapos ginawa na nila sa Bubble Gang. Ang kyut!!!!

Grabe!!! Halos lahat na yata ng videos nila ay favorite ko. But I choose 7 para maikli. Ang wish ko sa kanila ay sana dumami pa ang magawa nilang videos at tumagal pa ang segment na ito.*wink

TO BE CONTINUED...

LAST SUBJECT: BUBBLE GANG SA MGA MATA NI WAMBO

Compliments of Ramiecute,your No. 1 fan!!!!

Bubble Gang Series Part 8: Ang Spoiled Turns to a Box-Office Movie


"Whatever Yaya!!! You're such a loser."


Yan ang pinasikat na linya ng original na sketch ng Bubble Gang, "Ang Spoiled". Started in 2008, naging "Big Hit" na ang naturang sketch sa milyung-milyong Pilipino na gustong mapanood ang pakikipagsapalaran ng isang alaga at ang kanyang Yaya. Ang concept ng kanilang sketch ay nakuha nila sa isang 1970's comedy show na ang character na ginamit ay ang mag-ina mismo. But, for the sake of the viewers, ginawa nilang kakaiba. Imbes na mag-ina ang ginamit ay ang mag-yaya na lang. They named it as Angelina (played by Ogie Alcasid) and Yaya (played by Michael V.).


One of their writers made a story tunkol sa isang katulong na love na love ang kanyang alaga kahit na kinakawawa na siya nito. Naisip ng writer na yon na gawing Angelina ang name ng character dahil mala-anghel ang kanyang pangalan ngunit mala-demonyo naman ang kanyang ugali (Sorry if I'm hurting you). Then, may guardian angel siya na tutulong at gagabay sa kanilang pang-araw-araw na gawain at yun ay si Yaya!!!



Q: Bakit "Yaya and Angelina" ang pangalan ng magyaya?

A: Kasi gusto ng mga staff na yun ang ipangalan sa kanila. Mas kakaiba kasi kaysa naman sa napaka-weird yung ipapangalangan mo sa isang character.

Q: Bakit ang alaga at ang yaya ang ginamit nilang instrument?

A: Para maturuan ng mga magulang na bantayan nila ang mga anak nila. Lalo na ng mga yaya na nagiging pangalawang magulang, kailangan nilang gampanan ang kanilang tungkulin bilang isang tagapag-alaga. At para sa mga bata, dapat na iwasan ang mga bagay na makakasakit sa ibang tao. Kailangan din ng konting pag-iingat kasi dun sa palabas, masyadong minor lang ang activity ng bata pag nakakagawa siya ng kalokohan sa kanilang Mommy and Daddy.

Q: Anong meron ang segment na ito na wala sa ibang segment ng Bubble Gang?

A: Dahil pwede ito sa lahat. Pang-buong pamilya, mapa-babae man o lalaki, bakla, tomboy, bata, matanda. Lahat kasi ng characters dito, pang-Family Oriented.

And because of their success sa paggawa ng sketches, nabigyan ng break sa showbiz ang character na nagpapatawa sa atin every Friday. May game show na silang ginawa na halaw sa Japanesse game show na "Hole in the Wall". At may movie na sila na palabas pa hanggang ngayon, ang "Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie".

SYNOPSIS:

Angelina's Mom and Dad is looking for a new maid na magbabantay sa kanilang unica hija. Pero sa dami ng katulong na nai-hire nila ay palpak pa din ang abot ng mga yaya na tinanggap nila. Noong isang araw, si Yaya (Chacha Lucero) ay nag-apply ng trabaho sa pamilya ni Angelina. Sa school nila ay palagi na lamang pinapatawag ang parents ni Angelina. Kaya binabantayan ni Yaya ang lahat ng kilos ng kanyang alaga. Hanggang sa natuklasan na si Tanya (Angelina's Classmate and worst enemy) pala ang dahilan ng pagkakatawag ni Angelina.

After they have been together in a couple of months, biglang pinalayas si Yaya dahil nakuryente yung alagang isda ni Angelina. Then, biglang kinidnap ng taga-Mafia Syndicate si Angelina led by Iza Calzado. Ang kanilang pakay sa bata ay patayin ang "Dutchess of Wellington" na pupunta sa school ni Angelina. Humingi na siya ng tulong kay Yaya. At sa bandang huli, nahuli nila si Iza and the rest of her gang. Binigyan sila ng reward ng school at ng Dutchess of Wellington. naging bida na sila sa school.

Share ko lang sa mga hindi nakapanood ng movie. Hehehe!!!

CAST:

Michael V.

Ogie Alcasid

Aiko Melendez

Jomari Yllana

Sheena Halili

Victor Aliwalas

Iza Calzado

Roxanne Guinoo

Mike "Pekto" Nacua

John Feir

Leo Martinez

SPECIAL GUEST:

Regine Velasquez

Daiana Menezes

Dennis Trillo

TO BE CONTINUED...

NEXT SUBJECT: IYOTUBE PORTION (My favorite!!!)

Compliments of Ramiecute,your No. 1 fan!!!!

Sunday, October 25, 2009

Bubble Gang Series Part 7: Bubble Gang Discoveries

Standards on being a Good Comedian:

1. Strong Personality
2. Full of Hapiness
3. Funny Jokes
4. Lots of Fun in doing his/her job
5. Energetic
6. With Sense of Humor
7. The Most Important...Be original!!!^_^

Hirap maging komedyante noh? Buti na lang ay madali silang nakilala ng programang ito to show their other side in the world of craziness. At least kahit papaano ay nakakatuwa silang panoorin at favorite din sila ng mga televiewers.

And speaking of comedian, hindi lahat ng artista ay komedyante na. May iba pa na magaling talagang umarte, sumayaw, kumanta, atbp. Kaya isha-share ko naman sa inyo ang mga tao na pinasikat ng Bubble Gang. This could be a very special blog for someone of them. Enjoy!!!


1. Toni Gonzaga - Believe it or not, kasama siya sa Gang. Imagine? Bago pa siya naging Dabarkads at lumipat sa kabilang Network, nag-build up ang kanyang career bilang mainstay ng show. From 1998, kasali na siya sa mga sketches and gags ng programa kaya dun niya nakuha ang pagiging lukring sa TV. Kaya natutuwa din ako sa kanya kahit minsan lang.




2. Maricar de Mesa - Ang Former GoBingo Girl na ngayon ay isa nang magaling na aktres. I love her nung napanood ko siya one time dun sa spoof nila. Nakalimutan ko na yung title eh. Pero super nasusungitan din ako minsan kung gaganap siyang kontrabida. She's so makulit din kahit papaano. Like Toni did, love pa rin niya ang comedy before pa siyang sumikat.

3. Diego - Isama ko na din si Diego. Napakasipag ng taong toh. Kung noon, nasa likod siya ng camera (until now), ngayon ay sumisikat na din siya. Kung tutuusin, siya na yata ang pinakamagandang panget sa balat ng telebisyon. Nagiging master pa siya ng mga auditions at gumagawa pa siya ng concept about sa mga bading. Bongga ka na dude!!!



4. Mykah - Masasabi ko lang kay Mykah, "May kailangan ba kayo?"....Ang dating PA ng show,siya na ang mukhang Donya. Pa-sosyal na siya dahil sa laki ng kinikita niya sa show ay madami na siyang natutulungan sa kanyang mga kamag-anakan. Feel na niya ang kagandahan pag katabi niya si Diego. Hahaha!!!


5. Moymoy Palaboy - One of the best discoveries na nakita ko. Grabe!!!! Nung unang nood ko pa lang sa kanila, naguguluhan ako sa pinagkakagawa nila. Napatanong tuloy ako, "Bakit kaya madami ang natatawa sa kanila eh nagli-lipsynch naman sila tapos kung todo pa ang suot nila." Pero nung napag-aralan ko yung moves nila, nakukuha ko na kung ano ang tunay nilang pakay sa pagpapatawa. Pero in fairness, kahit wala pa sila sa Bubble Gang, kilala na sila ng buong mundo. At malaki na din ang naitulong nila sa show kahit extra pa sila. I love them both.


Ang masasabi ko lang sa Bubble Gang, pasalamat ako sa kanila kasi sila ang pinili niyo bilang parte ng show ninyo at natulungan nyo pa silang iangat ang kanilang talento sa iba't ibang larangan. I hope na maghahanap pa kayo ng mga bagong talents para mas sumaya pa at mas tumagal pa ang show ninyo.

TO BE CONTINUED...

NEXT SUBJECT: ANG SPOILED TURNS TO A BOX-OFFICE MOVIE

Compliments of Ramiecute,your No. 1 fan!!!

Bubble Gang Series Part 6: The Cast and Crew


14 Years ago...
"14 years ago, I'm 27 years old,135 pounds,single and not yet married, at naghahanap ng space in the world of comedy." - Ogie Alcasid, Cast
"14 years ago, ginugugol ko ang oras ko sa pagsulat ng theme song ng Bubble Gang. 14 years ago,hindi ko alam ang magiging kinabukasan ko sa paglipat namin ni Ogie sa GMA 7. 14 years ago, payat pa ako nun." - Michael V. , Cast
"14 years ago, madami pa akong baby fats nun. Wala pa akong masyadong talent nun at nagbabakasakali lang ako na maging artista kaya nag-audition ako kay Kuya Germs nung araw." -Rufa Mae Quinto, Cast
"14 years ago, from 5 feet,naging 5'6 ako. Tapos sumali ako sa modelling. Tsaka 14 years ago, hindi na ako nag-aral at nag-focus ako sa pagmomodelo." - Francine Prietto, Cast
"14 years ago,11 years old pa ako nun. Maliit pa ako nung time na yun." - Boy 2 Quizon, Cast
"14 years ago, naalala ko nasa likod ako parati during na matatapos na yung show kasi mahiyain pa ako nung una." - Wendell Ramos, Cast
"14 years ago.....wala akong matandaan eh! (joke lang!!!) 14 years ago,naghahanap ako ng trabaho nun. Tapos nang tinanggap na ako ng Bubble Gang, dito na ako kumikita."(talaga?) - Antonio Aquitania, Cast
Ganyan pa lang sila 14 years ago. And now, madmi na silang naabot na mga pangarap sa pamamagitan ng pagpapatawa. Anyway, kaka-touch yung Special Episode nila last Friday. Napa-isip tuloy ako kung matatapos ko pa aba ang Blog Series na to. But then, tinapos ko na kasi sayang naman ang effort ko dito. Halos isang buwan ko nang ginawa ang blog na to. And, to make it special,(hindi ko na nga pahahabain!) here are the cast and crew na hindi ko makakalimutan 14 years nang ako'y isang batang paslit at naghahanap ng mapaglilibangan, at yun ay ang panoorin ang Bubble Gang.
1. Ogie and Bitoy - Bagong salta pa lang sila before sa GMA, napatunayan na nila na matibay ang kanilang friendship, for better or for worse. Hindi makukumpleto ang araw ko na hindi ko sila mapapanood. Parang puto at dinuguan na ang pagkakaibigan nila for I think 18 years pa.
2. Assunta De Rossi - Siya yung pinaka-favorite ko nung childhood days ko. Hahaha!!! Siya kasi ang pa-kikay ng grupo. And I love her punchline dun sa McDo na "Karen po". Dun ko siya naging favorite. Hehehe!!!
3. Rufa Mae Quinto - Nowadays,siya lang ang pinaka-aktibong sexy comedian na nakikita ko sa TV. From Booba days, biglang-sikat at kontrobersyal pa ang kanyang pangalan. Kaya ko naman siya favorite kasi I love her fighting spirit. Ang lakas ng appeal niya sa TV. Hahaha!!!
4. Wendell Ramos - My Secret Crush. Hahaha!!! Ang kyut niya dati at halos naiinlab na ako pag tumitig ako sa kanya. Ang favorite segment ko before nung andyan si Wends ay yung Sex Balls. Hahaha!!! Ang laki ng muscle nila. Tapos yung ginaya nila yung IyoTube, mukhang mas nakakatawa sila kaysa sa Moymoy Palaboy (Peace lang!!).
5. Direk Uro Dela Cruz - Ang tatay-tatayan ng mga artista ng Bubble Gang. Sa tingin ko, kelangan na siyang gawaran ng "Loyalty Award" dahil sa walang sawa niyang pag-iisip ng konsepto at marahil ay nagawa na niya ang matagal niyang pinapangarap.
6. Cesar Cosme - The Playwright kung tutuusin sa larangan ng Comedy. Naging favorite ko din yung "Ang Dating Doon" kung saan basa siya ng basa ng mga lyrics ng kanta. Tapos kinakawawa siya ni Brod. Pete before kasi mukha na siyang utusan nung una. He is very talented pala sa singing? Kaya pla sumali ung anak niya sa Celebrity Duets (Nicollo Cosme is Cesar's son) because of him. Hahaha!!!
7. Diego - From utility boy, naging staff siya and at the same time, comedian na din. Palagi siyang tinutukso dahil sa mahaba at matalas niyang nguso. Pero kahit papaano ay nabubuhay naman siya as a celebrity na din. Like ko din yung "Pambansang Bading" nakinanta niya sa show. At siya din yung pinakanakakatawa ang itsura talaga,pramis.
8. Moymoy Palaboy - Next blog na lang kayo. hahaha!!1 Peace lang. "From Zero to Hero" ang bansag sa kanila kasi kung dati nasa YouTube sila nakikita. Ngayon may sarili na silang segment at yun ay ang "IyoTube" ( My favorite as of now). Dahil sa segment nila, naging Instant Celebrity na ang dalawang toh. Pramis, sa next blog na lang kayo,gagawin ko pang mas bongga.
Yun lang at sana ay tumagal pa ang buhay ng mga taong ito. And more laughtrips to come (Toinks!!!Parang mali noh?)
TO BE CONTINUED...
NEXT SUBJECT: BUBBLE GANG DISCOVERIES (in short,mga pinasikat nila sa show)
Compliments of Ramiecute,your No. 1 fan!!!!

Wednesday, October 21, 2009

Bubble Gang Series Part 5: Michael V. Originals


Si Michael V. (Disyembre 17, 1969 isinilang bilang Beethoven Bunagan), ay isang komedyanteng Filipino na kilala rin bilang "Bitoy" o "Toybits". Siya ay lumalabas sa mga palabas ng GMA Network tulad ng Bubble Gang, at sa kanyang sariling palabas na Bitoy's Funniest Videos. Kilala siya sa pagsasalin ng mga awiting popular na Filipino at banyaga, at gumawa rin ng mga orihinal na awitin, tulad ng "Sinaktan mo ang Puso ko".


Source: Wikipedia.org

Anyway,speaking of Bitoy na matagal ko nang idol,bibigyan ko siya ng sariling respeto. Dahil isang dekada na din akong die-hard and trying hard fan niya, nakakahiligan ko na ang panonood ng TV. Hindi siya kagaya ng ibang mga komedyante, napaka-unique ang kanyang punchline at hindi nakakasakit ng ibang tao (peace men!!!). Kung dati, magulo ang buhay ko pag hindi ako nakatawa. Pero ngayon, mas gumulo pa ang mundo ko pag walang Michael V. na nagpapatawa sa buong Pilipinas. Sikat na siya sa panggagaya. At dahil sa magaling siyang mag-disguise, I will share my most favorite disguises made by the master of disguise himself.

1. Bebang - Ang kontrabida sa trio ng Bilib ka ba? show. Hahaha!!! Nagiging makulit siya kasi lagi niyang kinakawawa si Betong at Etoy. Pero pag siya naman ang naasar, bigla siyang nagiging Monster. Pero, minsan din siya nagiging mabait,para makasakay siya sa isang joke. Hahaha!!!


2. Yaya - Nakakatawa din si Yaya. Everytime na nagsasalita siya ng may Visayan accent. Ang pinakamabait at pinakamakulit na katulong ni Yaya. Super kawawa siya kay Angelina kasi palagi siyang looser. Pero minsan, nagiging winner siya pag may nagawa siyang mabuti sa kanyang alaga. I'm so proud of it!!!

3. BongBong - Ang dakilang tirador ng mga sumbong. May point ako sa mga bubbly quotes niya. May halong lyrics ng kanta. At pag may nakikita siyang panget,titirahin niya ka-agad. I like his dance steps. Pano ba yun???hahaha!!!


4. Junny Lee - ang pinaka-wirdong talk show host sa balat ng telebisyon. Parang in the reality,eto si Mihael V. before. Mahiyain siyang bata at biglang lumabas ang kanyang talent sa pangongopya ng personalidad sa pulitika at showbiz. Sa lahat ng kanyang disguise ay eto pa ang pinakapaborito niya. Halos kamukhang-kamukha din niya si Kuya Germs 30 years from now. hahaha!!!Joke lang!!!



5. Don Miguel Matapobre - Hahaha!!! English spokening dollar ang drama nito! From Muchas Grasas (one of my favorite sketches ever). Nagpapakita siya ng kakenkoyan at kadatungan sa pamamagitan ng basura. Medyo harshy siya at first. Pero habang tumatagal ang segment nila, mas nakakatawa at nakakaiyak siya lalo na pag kasama niya si Don Herminio (Ogie Alcasid's character).



Bakit kaya paborito ko si Bitoy?

1. Malawak ang kanyang imagination pagdating sa pag-disguise.

2. Mitikuloso siya sa costume,sa make-up at kung anu-ano pa.

3. Very talented siya sa lahat ng bagay.

4. Madali siyang maka-adjust sa kanyang pino-portray niya.

5. He shows confidence at game na game siya sa paggawa ng mga bagong gimik.

6. Malakas ang impluwensya niya sa mga bata.

7. At higit sa lahat,wala siyang katulad. Naks!!!!




Yun lang ang maisha-share ko. Paano kaya kung nabasa niya yung blog ko????





TO BE CONTINUED...

NEXT SUBJECT: THE CAST AND CREW

Compliments of Ramiecute,your No. 1 fan!!!!