Wednesday, October 21, 2009

Bubble Gang Series Part 5: Michael V. Originals


Si Michael V. (Disyembre 17, 1969 isinilang bilang Beethoven Bunagan), ay isang komedyanteng Filipino na kilala rin bilang "Bitoy" o "Toybits". Siya ay lumalabas sa mga palabas ng GMA Network tulad ng Bubble Gang, at sa kanyang sariling palabas na Bitoy's Funniest Videos. Kilala siya sa pagsasalin ng mga awiting popular na Filipino at banyaga, at gumawa rin ng mga orihinal na awitin, tulad ng "Sinaktan mo ang Puso ko".


Source: Wikipedia.org

Anyway,speaking of Bitoy na matagal ko nang idol,bibigyan ko siya ng sariling respeto. Dahil isang dekada na din akong die-hard and trying hard fan niya, nakakahiligan ko na ang panonood ng TV. Hindi siya kagaya ng ibang mga komedyante, napaka-unique ang kanyang punchline at hindi nakakasakit ng ibang tao (peace men!!!). Kung dati, magulo ang buhay ko pag hindi ako nakatawa. Pero ngayon, mas gumulo pa ang mundo ko pag walang Michael V. na nagpapatawa sa buong Pilipinas. Sikat na siya sa panggagaya. At dahil sa magaling siyang mag-disguise, I will share my most favorite disguises made by the master of disguise himself.

1. Bebang - Ang kontrabida sa trio ng Bilib ka ba? show. Hahaha!!! Nagiging makulit siya kasi lagi niyang kinakawawa si Betong at Etoy. Pero pag siya naman ang naasar, bigla siyang nagiging Monster. Pero, minsan din siya nagiging mabait,para makasakay siya sa isang joke. Hahaha!!!


2. Yaya - Nakakatawa din si Yaya. Everytime na nagsasalita siya ng may Visayan accent. Ang pinakamabait at pinakamakulit na katulong ni Yaya. Super kawawa siya kay Angelina kasi palagi siyang looser. Pero minsan, nagiging winner siya pag may nagawa siyang mabuti sa kanyang alaga. I'm so proud of it!!!

3. BongBong - Ang dakilang tirador ng mga sumbong. May point ako sa mga bubbly quotes niya. May halong lyrics ng kanta. At pag may nakikita siyang panget,titirahin niya ka-agad. I like his dance steps. Pano ba yun???hahaha!!!


4. Junny Lee - ang pinaka-wirdong talk show host sa balat ng telebisyon. Parang in the reality,eto si Mihael V. before. Mahiyain siyang bata at biglang lumabas ang kanyang talent sa pangongopya ng personalidad sa pulitika at showbiz. Sa lahat ng kanyang disguise ay eto pa ang pinakapaborito niya. Halos kamukhang-kamukha din niya si Kuya Germs 30 years from now. hahaha!!!Joke lang!!!



5. Don Miguel Matapobre - Hahaha!!! English spokening dollar ang drama nito! From Muchas Grasas (one of my favorite sketches ever). Nagpapakita siya ng kakenkoyan at kadatungan sa pamamagitan ng basura. Medyo harshy siya at first. Pero habang tumatagal ang segment nila, mas nakakatawa at nakakaiyak siya lalo na pag kasama niya si Don Herminio (Ogie Alcasid's character).



Bakit kaya paborito ko si Bitoy?

1. Malawak ang kanyang imagination pagdating sa pag-disguise.

2. Mitikuloso siya sa costume,sa make-up at kung anu-ano pa.

3. Very talented siya sa lahat ng bagay.

4. Madali siyang maka-adjust sa kanyang pino-portray niya.

5. He shows confidence at game na game siya sa paggawa ng mga bagong gimik.

6. Malakas ang impluwensya niya sa mga bata.

7. At higit sa lahat,wala siyang katulad. Naks!!!!




Yun lang ang maisha-share ko. Paano kaya kung nabasa niya yung blog ko????





TO BE CONTINUED...

NEXT SUBJECT: THE CAST AND CREW

Compliments of Ramiecute,your No. 1 fan!!!!

No comments:

Post a Comment