Sunday, October 25, 2009

Bubble Gang Series Part 7: Bubble Gang Discoveries

Standards on being a Good Comedian:

1. Strong Personality
2. Full of Hapiness
3. Funny Jokes
4. Lots of Fun in doing his/her job
5. Energetic
6. With Sense of Humor
7. The Most Important...Be original!!!^_^

Hirap maging komedyante noh? Buti na lang ay madali silang nakilala ng programang ito to show their other side in the world of craziness. At least kahit papaano ay nakakatuwa silang panoorin at favorite din sila ng mga televiewers.

And speaking of comedian, hindi lahat ng artista ay komedyante na. May iba pa na magaling talagang umarte, sumayaw, kumanta, atbp. Kaya isha-share ko naman sa inyo ang mga tao na pinasikat ng Bubble Gang. This could be a very special blog for someone of them. Enjoy!!!


1. Toni Gonzaga - Believe it or not, kasama siya sa Gang. Imagine? Bago pa siya naging Dabarkads at lumipat sa kabilang Network, nag-build up ang kanyang career bilang mainstay ng show. From 1998, kasali na siya sa mga sketches and gags ng programa kaya dun niya nakuha ang pagiging lukring sa TV. Kaya natutuwa din ako sa kanya kahit minsan lang.




2. Maricar de Mesa - Ang Former GoBingo Girl na ngayon ay isa nang magaling na aktres. I love her nung napanood ko siya one time dun sa spoof nila. Nakalimutan ko na yung title eh. Pero super nasusungitan din ako minsan kung gaganap siyang kontrabida. She's so makulit din kahit papaano. Like Toni did, love pa rin niya ang comedy before pa siyang sumikat.

3. Diego - Isama ko na din si Diego. Napakasipag ng taong toh. Kung noon, nasa likod siya ng camera (until now), ngayon ay sumisikat na din siya. Kung tutuusin, siya na yata ang pinakamagandang panget sa balat ng telebisyon. Nagiging master pa siya ng mga auditions at gumagawa pa siya ng concept about sa mga bading. Bongga ka na dude!!!



4. Mykah - Masasabi ko lang kay Mykah, "May kailangan ba kayo?"....Ang dating PA ng show,siya na ang mukhang Donya. Pa-sosyal na siya dahil sa laki ng kinikita niya sa show ay madami na siyang natutulungan sa kanyang mga kamag-anakan. Feel na niya ang kagandahan pag katabi niya si Diego. Hahaha!!!


5. Moymoy Palaboy - One of the best discoveries na nakita ko. Grabe!!!! Nung unang nood ko pa lang sa kanila, naguguluhan ako sa pinagkakagawa nila. Napatanong tuloy ako, "Bakit kaya madami ang natatawa sa kanila eh nagli-lipsynch naman sila tapos kung todo pa ang suot nila." Pero nung napag-aralan ko yung moves nila, nakukuha ko na kung ano ang tunay nilang pakay sa pagpapatawa. Pero in fairness, kahit wala pa sila sa Bubble Gang, kilala na sila ng buong mundo. At malaki na din ang naitulong nila sa show kahit extra pa sila. I love them both.


Ang masasabi ko lang sa Bubble Gang, pasalamat ako sa kanila kasi sila ang pinili niyo bilang parte ng show ninyo at natulungan nyo pa silang iangat ang kanilang talento sa iba't ibang larangan. I hope na maghahanap pa kayo ng mga bagong talents para mas sumaya pa at mas tumagal pa ang show ninyo.

TO BE CONTINUED...

NEXT SUBJECT: ANG SPOILED TURNS TO A BOX-OFFICE MOVIE

Compliments of Ramiecute,your No. 1 fan!!!

No comments:

Post a Comment