Sunday, December 6, 2009

Lakwatsa Blues



What a busy day!!! Nami-miss ko na ang pagsulat ng blog. And almost 1 month lang ako nawala sa Blogspot due to my hectic schedules inside the school. Kaya ang pag-uusapan natin ay ang paglakwatsa. Saan kaya nakukuha ang paglalakwatsa. Let's see...


Lakwatsa- Isang bagay na gustung-gusto ng isang tao para makarating sa isang lugar na kanyang ninanais. Kinakailangan lang na madami siyang dalang pera para sa pamasahe at pagkain. At higit sa lahat ay kabisado niya ang pupuntahan niya. Ayt?


Now,back to topic. Naalala ko tuloy nung nasa Cavite ako. Kasama ko noon yung kapatid ko. Bale papunta kaming Tagaytay pero bumaba n kami ng Imus. Ayun, sa Mall of Asia ang bagsak namin. Nanood lang kami ng pelikula. Tapos ang Brunch namin (breakfast and lunch) is French Fries with Cheddar Cheese Dip.Na-trauma kami nung mga oras na yun.
Palipat-lipat na kami ng sasakyan. Nag-bus kami at Taxi. Tapos, naubos na ang mga pera namin. Napagalitan pa kami ng Mama ko. Ampfness talaga.


And eto na nga, ang pinaka-memorable moments ko sa paglalakwatsa:

1. Star City - Nakakaasar pero maganda din. Nakapasok n ako ng "Snow World" na super lamig. Grrrr... At umikot-ikot pa kami sa mga Horror House. Natandaan ko dati,tinamaan ako ng malaking gagamba sa mukha paglabas ko ng Mummy House. Pasaway talaga yung gagambang yun. At higit pa diyan, kumain ako ng ice cream at umupo ako sa nakakakiliti at nakakatawang Massager. Hahaha!!!

2. SM Mall of Asia - Sayang!!!No. 2 lang siya... Lam mo kung bakit? Minsan bitin ako pag nakarating ako dito. Pero enjoy pa rin ako. Lagi ako ang laman ng Worlds of Fun. hahaha!!! Lalo na nung nasa loob ako ng I-Max Theater, with my family last Christmas, grabe!!! Ang laki pala ng screen. Bigla akong natakot. Hahaha!!!


3. Robinson Metro East - Kapitbahay ni Sta. Lucia East Grand Mall. Walking distance lang siya. Nakakita na naman ako ng happiness there. And guess what? Nakita ko na din ang Moymoy Palaboy for the first time. Sobrang happy ako nung nakamayan ko si Roadfill and James in person. Kaso,bigla akong pinalayas ng guwardiya sa backstage, kaya panget. After nun, pumunta kami sa sinehan at nanaood ng Indie Film. Sobrang pagod n ako non,pero happy!!!Naalala ko pa nga yung nagpakilala silang dalawa,tapos nung papunta na kay Roadfill yung introduction,bigla akong sumigaw. Then,tumingin si Rod ng nakangiti sa akin. Nasa front row ako nun. Tapos nun, sumagot si Kuya James, "OO NGA!!! SIYA NGA SI ROADFILL". hahaha!!!!




4. Star Mall Edsa-Shaw - Latest to ha? Madami akong na-meet na mga bagong kaibigan. At doon naging mas lalong naging close ni Roadfill. Super happy. Grabe!!! Akala ko nga,walang pupunta sa amin. From 4,naging 11 kaming lahat. Nang dahil lang sa alok na Pizza, pumunta sila. Dapat pala,me ganun noh? Hahaha!!!




5. Cafe Pizza Kitchen - EDSA Shangri-La Plaza Mall - Ang pinaka-memorable place to me. Kasi nga, first time kong pumunta sa mamahaling shopping mall na to. Madami akong nakita sa mall na ito. May Christmas Tree, may Starbucks, at may pintuan na umiikot. Hahaha!!! Natakot nga ako sa pintuang 'yun eh. Napadaan lang kami sa Cafe Pizza Kitchen, ang tambayan pala noon ni Roadfill nung office boy pa siya. I remembered that time na nanood kami ng cartoons at laro ng basketball. Naki-bonding talaga ako kay Roadfill ng bonggang-bongga with my co-forumers. Tila swerte ako nung mga oras na yun. Kumain pa kami ng apat na Pizza at lumaklak pa kami ng Bottomless Ice Tea. Nakipag-joke time pa si Roadfill sa amin habang nasa CR pa ang mga Moda (Lynch, Lanie, Cath,etc.). Biglang aksidente niyang sinabi kung ano ang ibig sabihin ng joke nya (nakadila siya na nakapikit). Then, ang ibig sabihin pala nun ay (atin-atin lang to ha?) TOMBOY NA TINIGASAN. Di ko pa nga magets ang point niya. Pero, nung sumugod si Ate Lanie at pinagalitan pa siya, napatameme siya tuloy. Hehehe!!





Siguro,tama na muna na hanggang dito na lang ang aking masaya at makasaysayang blog entry ko this Holiday Season. Watch out for my next blog about sa Christmas Party with the forumers at Bandroom Buendia this December 23, at 6:oo PM. See you there!!!!

- Ramiecute Palaboy

No comments:

Post a Comment