Thursday, October 29, 2009

Bubble Gang Series Part 10: Bubble Gang Sa Mga Mata ni Wambo




In the eyes of Ramiecute...
Ito'y kakaiba sa lahat,
Mga mata ko'y namumulat
Sa mga jokes na sumambulat
At kinagigiliwan ng lahat.
Umabot na kayo ng labing-apat na taon,
At humaba na naman ang inyong panahon
Sa pagpapatawa every Friday
All of my stress are gone all the way.
Ang aking tula ay hindi ko na pahahabain,
Sana ay patuloy nyo pa kaming patawanin.
You made you jobe great,
And stay chewing with it.
Mula pa sa umpisa,andyan na si Bitoy,
At ngayon,nadagdagan na ng Moymoy Palaboy
Lahat ng tao ay nag-eenjoy,
Lahat ng sambayanang Pinoy.
Sana ay humaba pa ang buhay
At ang samahan ninyo ay tumibay,
Lahat ng problema at goodtime
Talagang wala na kayong kapantay.
At ngayon ako'y nasa disinuebe anyos na,
Ang lahat ng katapusan ay mag-uumpisa
Salamat at ako'y naging masaya,
Sana kayo pa din hanggang sa ako'y tumanda.
I hope you enjoy my series. Salamat sa Bubble Gang at ako'y palaging nasisiyahan sa lahat ng oras,for better or for worst. Long live to all of you and God Bless us all!!!
THE END!!!!
Compliments of Ramiecute,your No. 1 fan!!!!

Bubble Gang Series Part 9: IyoTube Portion (Dedicated to Moymoy Palaboy)



IyoTube started last February 2008 featuring some of the practical tips for girls. Kung dati pa nga,dance instructional videos ang inuupload dito sa segment na toh. Ngayon, may bagong inupload na artista sa likod ng Bubble Gang. The real brothers James Ronald and Rodfil Obeso takes the centerstage for stardom. Parang nananaginip lang sila before at biglang natupad na ang kanilang mga pangarap sa pagyu-Youtube lang.

At dahil parte na sila ng longest running gag show ever, ibabahagi ko naman sa inyo ang mga videos made by them na favorite ko sa panahong naging fan na ako ng Dynamic Duo. Since October last year, dito na nag-umpisa ang kabaliwan ko sa dalawang ito. At hanggang ngayon, naaaliw pa rin sila at nagkataon talaga na friends na kami unlike before.

And so,here it goes...


1. Dancing Queen - Hahaha!!! Bakit kaya? Kasi dito nila nai-lipsynch yung kanta na hindi pa nila ginagawa sa Youtube. At eto din yung piece na gimnamit nila para ireveal ang kanilang tunay na boses. Kakatawa nga yung Mama Auntie kuno kasi kulot siya tapos biglang sumayaw. Hahaha!!!


2. Goodbye - My favorite among the rest of the videoes. Kasi nga eto yung madalas na pinapakanta sa akin ng papa ko nung bata pa ako. Since hindi ko pa sila kilala totally,paulit-ulit ko siyang pinapanood sa Youtube. Hanggang sa naging favorite ko na ang Duo because of this. Ang storya ng video nila is yung isa,magi-interpret. Ang isa naman,siya ang magli-lipsynch. Ang galing talaga nilang mag-interpret kasi based yon sa pagkakaintindi nila sa lyrics. Hahaha!!!


3. Barbie Girl - Nung unang napanood ko itong video nila,nawiwirduhan ako sa dalawa. Pero nung napanood ko sila na kinakanta nila ang Barbie Girl, ngayon ko lang naisip, sila pala yung nakatulugan ko kasi ang baduy nila at first (Sorry po kasi yun ang unang impression ko sa inyo before ko pa kayo naging idols). Ang kikay ni Roadfill sa video at naka-barbie costume pa talaga siya. Love ba niya si Cory Aquino? Hahaha!!! Yellow kasi eh.




4. Hot in Here - Ang pinakamaiinit at pinakaseksing video na nagawa nila. At first time kong napanood si Roadfill ng naghuhubad kasi hindi ko pa siya nakikitang naghuhubad sa TV. Ang kyut ng video nila kahit medyo bastos ang ending. Hahaha!!!


5. Poker Face - Ang panget ng make-up ni Diego dito. Pero nakakatawa naman sila. I love Roadfill's hair. Nagsasawa na siya sa Yellow kaya nag-pink siya dito. Si Kuya Moymoy naman, mukhang Lady Gaga talaga kahit wala siyang wig. Hehehe!!!

6. Smooth Criminal - Birthday Special for Kuya Moymoy and Special Tribute to the King of Pop, Michael Jackson. Kakatawa si Kuya Moymoy dito kasi ginaya niya si MJ nang papahiga na siya sa lupa paharap tapos may taga-kapit sa paa niya. Hahaha!!! I love it talaga.

7. Baby One More Time - Ngayon ko lang silang nakita na magka-away sa video na ito. Hahaha!!! May tompyangan pa ng dyaryo sa ulo. Special to para sa akin kasi birthday ni Roadfill nung time na yun. Hehehe!!! I love it!!!Nagawa nila to during SOP tapos ginawa na nila sa Bubble Gang. Ang kyut!!!!

Grabe!!! Halos lahat na yata ng videos nila ay favorite ko. But I choose 7 para maikli. Ang wish ko sa kanila ay sana dumami pa ang magawa nilang videos at tumagal pa ang segment na ito.*wink

TO BE CONTINUED...

LAST SUBJECT: BUBBLE GANG SA MGA MATA NI WAMBO

Compliments of Ramiecute,your No. 1 fan!!!!

Bubble Gang Series Part 8: Ang Spoiled Turns to a Box-Office Movie


"Whatever Yaya!!! You're such a loser."


Yan ang pinasikat na linya ng original na sketch ng Bubble Gang, "Ang Spoiled". Started in 2008, naging "Big Hit" na ang naturang sketch sa milyung-milyong Pilipino na gustong mapanood ang pakikipagsapalaran ng isang alaga at ang kanyang Yaya. Ang concept ng kanilang sketch ay nakuha nila sa isang 1970's comedy show na ang character na ginamit ay ang mag-ina mismo. But, for the sake of the viewers, ginawa nilang kakaiba. Imbes na mag-ina ang ginamit ay ang mag-yaya na lang. They named it as Angelina (played by Ogie Alcasid) and Yaya (played by Michael V.).


One of their writers made a story tunkol sa isang katulong na love na love ang kanyang alaga kahit na kinakawawa na siya nito. Naisip ng writer na yon na gawing Angelina ang name ng character dahil mala-anghel ang kanyang pangalan ngunit mala-demonyo naman ang kanyang ugali (Sorry if I'm hurting you). Then, may guardian angel siya na tutulong at gagabay sa kanilang pang-araw-araw na gawain at yun ay si Yaya!!!



Q: Bakit "Yaya and Angelina" ang pangalan ng magyaya?

A: Kasi gusto ng mga staff na yun ang ipangalan sa kanila. Mas kakaiba kasi kaysa naman sa napaka-weird yung ipapangalangan mo sa isang character.

Q: Bakit ang alaga at ang yaya ang ginamit nilang instrument?

A: Para maturuan ng mga magulang na bantayan nila ang mga anak nila. Lalo na ng mga yaya na nagiging pangalawang magulang, kailangan nilang gampanan ang kanilang tungkulin bilang isang tagapag-alaga. At para sa mga bata, dapat na iwasan ang mga bagay na makakasakit sa ibang tao. Kailangan din ng konting pag-iingat kasi dun sa palabas, masyadong minor lang ang activity ng bata pag nakakagawa siya ng kalokohan sa kanilang Mommy and Daddy.

Q: Anong meron ang segment na ito na wala sa ibang segment ng Bubble Gang?

A: Dahil pwede ito sa lahat. Pang-buong pamilya, mapa-babae man o lalaki, bakla, tomboy, bata, matanda. Lahat kasi ng characters dito, pang-Family Oriented.

And because of their success sa paggawa ng sketches, nabigyan ng break sa showbiz ang character na nagpapatawa sa atin every Friday. May game show na silang ginawa na halaw sa Japanesse game show na "Hole in the Wall". At may movie na sila na palabas pa hanggang ngayon, ang "Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie".

SYNOPSIS:

Angelina's Mom and Dad is looking for a new maid na magbabantay sa kanilang unica hija. Pero sa dami ng katulong na nai-hire nila ay palpak pa din ang abot ng mga yaya na tinanggap nila. Noong isang araw, si Yaya (Chacha Lucero) ay nag-apply ng trabaho sa pamilya ni Angelina. Sa school nila ay palagi na lamang pinapatawag ang parents ni Angelina. Kaya binabantayan ni Yaya ang lahat ng kilos ng kanyang alaga. Hanggang sa natuklasan na si Tanya (Angelina's Classmate and worst enemy) pala ang dahilan ng pagkakatawag ni Angelina.

After they have been together in a couple of months, biglang pinalayas si Yaya dahil nakuryente yung alagang isda ni Angelina. Then, biglang kinidnap ng taga-Mafia Syndicate si Angelina led by Iza Calzado. Ang kanilang pakay sa bata ay patayin ang "Dutchess of Wellington" na pupunta sa school ni Angelina. Humingi na siya ng tulong kay Yaya. At sa bandang huli, nahuli nila si Iza and the rest of her gang. Binigyan sila ng reward ng school at ng Dutchess of Wellington. naging bida na sila sa school.

Share ko lang sa mga hindi nakapanood ng movie. Hehehe!!!

CAST:

Michael V.

Ogie Alcasid

Aiko Melendez

Jomari Yllana

Sheena Halili

Victor Aliwalas

Iza Calzado

Roxanne Guinoo

Mike "Pekto" Nacua

John Feir

Leo Martinez

SPECIAL GUEST:

Regine Velasquez

Daiana Menezes

Dennis Trillo

TO BE CONTINUED...

NEXT SUBJECT: IYOTUBE PORTION (My favorite!!!)

Compliments of Ramiecute,your No. 1 fan!!!!

Sunday, October 25, 2009

Bubble Gang Series Part 7: Bubble Gang Discoveries

Standards on being a Good Comedian:

1. Strong Personality
2. Full of Hapiness
3. Funny Jokes
4. Lots of Fun in doing his/her job
5. Energetic
6. With Sense of Humor
7. The Most Important...Be original!!!^_^

Hirap maging komedyante noh? Buti na lang ay madali silang nakilala ng programang ito to show their other side in the world of craziness. At least kahit papaano ay nakakatuwa silang panoorin at favorite din sila ng mga televiewers.

And speaking of comedian, hindi lahat ng artista ay komedyante na. May iba pa na magaling talagang umarte, sumayaw, kumanta, atbp. Kaya isha-share ko naman sa inyo ang mga tao na pinasikat ng Bubble Gang. This could be a very special blog for someone of them. Enjoy!!!


1. Toni Gonzaga - Believe it or not, kasama siya sa Gang. Imagine? Bago pa siya naging Dabarkads at lumipat sa kabilang Network, nag-build up ang kanyang career bilang mainstay ng show. From 1998, kasali na siya sa mga sketches and gags ng programa kaya dun niya nakuha ang pagiging lukring sa TV. Kaya natutuwa din ako sa kanya kahit minsan lang.




2. Maricar de Mesa - Ang Former GoBingo Girl na ngayon ay isa nang magaling na aktres. I love her nung napanood ko siya one time dun sa spoof nila. Nakalimutan ko na yung title eh. Pero super nasusungitan din ako minsan kung gaganap siyang kontrabida. She's so makulit din kahit papaano. Like Toni did, love pa rin niya ang comedy before pa siyang sumikat.

3. Diego - Isama ko na din si Diego. Napakasipag ng taong toh. Kung noon, nasa likod siya ng camera (until now), ngayon ay sumisikat na din siya. Kung tutuusin, siya na yata ang pinakamagandang panget sa balat ng telebisyon. Nagiging master pa siya ng mga auditions at gumagawa pa siya ng concept about sa mga bading. Bongga ka na dude!!!



4. Mykah - Masasabi ko lang kay Mykah, "May kailangan ba kayo?"....Ang dating PA ng show,siya na ang mukhang Donya. Pa-sosyal na siya dahil sa laki ng kinikita niya sa show ay madami na siyang natutulungan sa kanyang mga kamag-anakan. Feel na niya ang kagandahan pag katabi niya si Diego. Hahaha!!!


5. Moymoy Palaboy - One of the best discoveries na nakita ko. Grabe!!!! Nung unang nood ko pa lang sa kanila, naguguluhan ako sa pinagkakagawa nila. Napatanong tuloy ako, "Bakit kaya madami ang natatawa sa kanila eh nagli-lipsynch naman sila tapos kung todo pa ang suot nila." Pero nung napag-aralan ko yung moves nila, nakukuha ko na kung ano ang tunay nilang pakay sa pagpapatawa. Pero in fairness, kahit wala pa sila sa Bubble Gang, kilala na sila ng buong mundo. At malaki na din ang naitulong nila sa show kahit extra pa sila. I love them both.


Ang masasabi ko lang sa Bubble Gang, pasalamat ako sa kanila kasi sila ang pinili niyo bilang parte ng show ninyo at natulungan nyo pa silang iangat ang kanilang talento sa iba't ibang larangan. I hope na maghahanap pa kayo ng mga bagong talents para mas sumaya pa at mas tumagal pa ang show ninyo.

TO BE CONTINUED...

NEXT SUBJECT: ANG SPOILED TURNS TO A BOX-OFFICE MOVIE

Compliments of Ramiecute,your No. 1 fan!!!

Bubble Gang Series Part 6: The Cast and Crew


14 Years ago...
"14 years ago, I'm 27 years old,135 pounds,single and not yet married, at naghahanap ng space in the world of comedy." - Ogie Alcasid, Cast
"14 years ago, ginugugol ko ang oras ko sa pagsulat ng theme song ng Bubble Gang. 14 years ago,hindi ko alam ang magiging kinabukasan ko sa paglipat namin ni Ogie sa GMA 7. 14 years ago, payat pa ako nun." - Michael V. , Cast
"14 years ago, madami pa akong baby fats nun. Wala pa akong masyadong talent nun at nagbabakasakali lang ako na maging artista kaya nag-audition ako kay Kuya Germs nung araw." -Rufa Mae Quinto, Cast
"14 years ago, from 5 feet,naging 5'6 ako. Tapos sumali ako sa modelling. Tsaka 14 years ago, hindi na ako nag-aral at nag-focus ako sa pagmomodelo." - Francine Prietto, Cast
"14 years ago,11 years old pa ako nun. Maliit pa ako nung time na yun." - Boy 2 Quizon, Cast
"14 years ago, naalala ko nasa likod ako parati during na matatapos na yung show kasi mahiyain pa ako nung una." - Wendell Ramos, Cast
"14 years ago.....wala akong matandaan eh! (joke lang!!!) 14 years ago,naghahanap ako ng trabaho nun. Tapos nang tinanggap na ako ng Bubble Gang, dito na ako kumikita."(talaga?) - Antonio Aquitania, Cast
Ganyan pa lang sila 14 years ago. And now, madmi na silang naabot na mga pangarap sa pamamagitan ng pagpapatawa. Anyway, kaka-touch yung Special Episode nila last Friday. Napa-isip tuloy ako kung matatapos ko pa aba ang Blog Series na to. But then, tinapos ko na kasi sayang naman ang effort ko dito. Halos isang buwan ko nang ginawa ang blog na to. And, to make it special,(hindi ko na nga pahahabain!) here are the cast and crew na hindi ko makakalimutan 14 years nang ako'y isang batang paslit at naghahanap ng mapaglilibangan, at yun ay ang panoorin ang Bubble Gang.
1. Ogie and Bitoy - Bagong salta pa lang sila before sa GMA, napatunayan na nila na matibay ang kanilang friendship, for better or for worse. Hindi makukumpleto ang araw ko na hindi ko sila mapapanood. Parang puto at dinuguan na ang pagkakaibigan nila for I think 18 years pa.
2. Assunta De Rossi - Siya yung pinaka-favorite ko nung childhood days ko. Hahaha!!! Siya kasi ang pa-kikay ng grupo. And I love her punchline dun sa McDo na "Karen po". Dun ko siya naging favorite. Hehehe!!!
3. Rufa Mae Quinto - Nowadays,siya lang ang pinaka-aktibong sexy comedian na nakikita ko sa TV. From Booba days, biglang-sikat at kontrobersyal pa ang kanyang pangalan. Kaya ko naman siya favorite kasi I love her fighting spirit. Ang lakas ng appeal niya sa TV. Hahaha!!!
4. Wendell Ramos - My Secret Crush. Hahaha!!! Ang kyut niya dati at halos naiinlab na ako pag tumitig ako sa kanya. Ang favorite segment ko before nung andyan si Wends ay yung Sex Balls. Hahaha!!! Ang laki ng muscle nila. Tapos yung ginaya nila yung IyoTube, mukhang mas nakakatawa sila kaysa sa Moymoy Palaboy (Peace lang!!).
5. Direk Uro Dela Cruz - Ang tatay-tatayan ng mga artista ng Bubble Gang. Sa tingin ko, kelangan na siyang gawaran ng "Loyalty Award" dahil sa walang sawa niyang pag-iisip ng konsepto at marahil ay nagawa na niya ang matagal niyang pinapangarap.
6. Cesar Cosme - The Playwright kung tutuusin sa larangan ng Comedy. Naging favorite ko din yung "Ang Dating Doon" kung saan basa siya ng basa ng mga lyrics ng kanta. Tapos kinakawawa siya ni Brod. Pete before kasi mukha na siyang utusan nung una. He is very talented pala sa singing? Kaya pla sumali ung anak niya sa Celebrity Duets (Nicollo Cosme is Cesar's son) because of him. Hahaha!!!
7. Diego - From utility boy, naging staff siya and at the same time, comedian na din. Palagi siyang tinutukso dahil sa mahaba at matalas niyang nguso. Pero kahit papaano ay nabubuhay naman siya as a celebrity na din. Like ko din yung "Pambansang Bading" nakinanta niya sa show. At siya din yung pinakanakakatawa ang itsura talaga,pramis.
8. Moymoy Palaboy - Next blog na lang kayo. hahaha!!1 Peace lang. "From Zero to Hero" ang bansag sa kanila kasi kung dati nasa YouTube sila nakikita. Ngayon may sarili na silang segment at yun ay ang "IyoTube" ( My favorite as of now). Dahil sa segment nila, naging Instant Celebrity na ang dalawang toh. Pramis, sa next blog na lang kayo,gagawin ko pang mas bongga.
Yun lang at sana ay tumagal pa ang buhay ng mga taong ito. And more laughtrips to come (Toinks!!!Parang mali noh?)
TO BE CONTINUED...
NEXT SUBJECT: BUBBLE GANG DISCOVERIES (in short,mga pinasikat nila sa show)
Compliments of Ramiecute,your No. 1 fan!!!!

Wednesday, October 21, 2009

Bubble Gang Series Part 5: Michael V. Originals


Si Michael V. (Disyembre 17, 1969 isinilang bilang Beethoven Bunagan), ay isang komedyanteng Filipino na kilala rin bilang "Bitoy" o "Toybits". Siya ay lumalabas sa mga palabas ng GMA Network tulad ng Bubble Gang, at sa kanyang sariling palabas na Bitoy's Funniest Videos. Kilala siya sa pagsasalin ng mga awiting popular na Filipino at banyaga, at gumawa rin ng mga orihinal na awitin, tulad ng "Sinaktan mo ang Puso ko".


Source: Wikipedia.org

Anyway,speaking of Bitoy na matagal ko nang idol,bibigyan ko siya ng sariling respeto. Dahil isang dekada na din akong die-hard and trying hard fan niya, nakakahiligan ko na ang panonood ng TV. Hindi siya kagaya ng ibang mga komedyante, napaka-unique ang kanyang punchline at hindi nakakasakit ng ibang tao (peace men!!!). Kung dati, magulo ang buhay ko pag hindi ako nakatawa. Pero ngayon, mas gumulo pa ang mundo ko pag walang Michael V. na nagpapatawa sa buong Pilipinas. Sikat na siya sa panggagaya. At dahil sa magaling siyang mag-disguise, I will share my most favorite disguises made by the master of disguise himself.

1. Bebang - Ang kontrabida sa trio ng Bilib ka ba? show. Hahaha!!! Nagiging makulit siya kasi lagi niyang kinakawawa si Betong at Etoy. Pero pag siya naman ang naasar, bigla siyang nagiging Monster. Pero, minsan din siya nagiging mabait,para makasakay siya sa isang joke. Hahaha!!!


2. Yaya - Nakakatawa din si Yaya. Everytime na nagsasalita siya ng may Visayan accent. Ang pinakamabait at pinakamakulit na katulong ni Yaya. Super kawawa siya kay Angelina kasi palagi siyang looser. Pero minsan, nagiging winner siya pag may nagawa siyang mabuti sa kanyang alaga. I'm so proud of it!!!

3. BongBong - Ang dakilang tirador ng mga sumbong. May point ako sa mga bubbly quotes niya. May halong lyrics ng kanta. At pag may nakikita siyang panget,titirahin niya ka-agad. I like his dance steps. Pano ba yun???hahaha!!!


4. Junny Lee - ang pinaka-wirdong talk show host sa balat ng telebisyon. Parang in the reality,eto si Mihael V. before. Mahiyain siyang bata at biglang lumabas ang kanyang talent sa pangongopya ng personalidad sa pulitika at showbiz. Sa lahat ng kanyang disguise ay eto pa ang pinakapaborito niya. Halos kamukhang-kamukha din niya si Kuya Germs 30 years from now. hahaha!!!Joke lang!!!



5. Don Miguel Matapobre - Hahaha!!! English spokening dollar ang drama nito! From Muchas Grasas (one of my favorite sketches ever). Nagpapakita siya ng kakenkoyan at kadatungan sa pamamagitan ng basura. Medyo harshy siya at first. Pero habang tumatagal ang segment nila, mas nakakatawa at nakakaiyak siya lalo na pag kasama niya si Don Herminio (Ogie Alcasid's character).



Bakit kaya paborito ko si Bitoy?

1. Malawak ang kanyang imagination pagdating sa pag-disguise.

2. Mitikuloso siya sa costume,sa make-up at kung anu-ano pa.

3. Very talented siya sa lahat ng bagay.

4. Madali siyang maka-adjust sa kanyang pino-portray niya.

5. He shows confidence at game na game siya sa paggawa ng mga bagong gimik.

6. Malakas ang impluwensya niya sa mga bata.

7. At higit sa lahat,wala siyang katulad. Naks!!!!




Yun lang ang maisha-share ko. Paano kaya kung nabasa niya yung blog ko????





TO BE CONTINUED...

NEXT SUBJECT: THE CAST AND CREW

Compliments of Ramiecute,your No. 1 fan!!!!

Monday, October 19, 2009

Ramiecute talks about "Zifrajan"


After one year of success in showbiz industry, the Youtube Sensation Moymoy Palaboy (James and Rodfil Obeso in real life) mark their names as they open their newest Band Rehersal Studio near in Pasay City. "Zifrajan" (according to Kuya James) means "imitation through listening to music". They established this studio last month after they signed a contract through GMA Artist Center. They do everything just to invest their money in building the studio.

"Yung lahat ng kinita namin sa kakapalan ng mukha namin,dito napupunta lahat. Kaya yung pinag-iipunan namin, pinag-iingatan namin. Tsaka hindi naman kelangan malaki ang Studio kasi ang kelangan naman dito is yung simple pero eleganteng tignan", James said.
Aside from making a studio, they are also invest their earnings at the right time. In fact, they spent their earnings in buying some equipments like drumset, keyboard, microphones,amplifiers,and sound system.

"Lahat yan, state-of-the-art. Kinakailangan naman sa isang gamit, yung quality at 'di sing mahal", James added.

"You can visit our studio along Villareal St.,Taft Ave.Pasay City. It may cause Php.200 per rent. We have also a mini-bar for chilling out with your friends. It's very convenient kasi bonggang-bongga ang may-ari", Roadfill, the other half of James, said.

Eversince, James loves to sing. That's why he build their unit for band rehersals. He used to sing in different areas in Metro Manila with his band called "Passionista" before he entered the entertainment scene with his younger brother, Rodfil (aka Roadfill), who finished his study at Polytechnic University of the Phillipines,taking up Business Management.

"As you can see, ang background ng aming studio ay pinaligiran ng lalagyan ng itlog(egg tray). Pwera biro to ha? Kasi nag-aabsorb siya ng sound waves at para hindi umingay ang studio hanggang labas,"he added.





"Ang masasabi ko lang sa lahat ng mga baguhang singers, mag-ipon tayo at maging wais tayo sa pagtatayo ng negosyo kasi yung lahat ng kinikita namin sa pagiging makapal ng mukha namin,dito na napupunta", James reminded to all of their fans.

"At ang masaya pa dyan,yung kinikita mo,nakikita mo. Enjoy pa!", Roadfill added.


THE END!!!!*wink
By: Ramiecute Palaboy

Bubble Gang Series Part 4: BUBBLE GANG PARODIES

At last!!! May 6 pang natitirang parts before the deadline!!!!

Anyway,sino ba ang mga madalas na ginagaya at ano ang kanilang ginagaya? Hirap maging gaya-gaya noh? Pero nakakatuwa namang malaman na ang favorite part ko sa Bubble Gang ay ang panggagaya ng mga palabas sa TV. I remembered yung unang palabas na ginaya ng Bubble Gang ay ang hit na hit na Telenovela before na Marimar (awww!!!). I love Michael V. imitating Corazon and Ogie Alcasid as Sergio, natatawa ako kasi ung balbon niya sa dibdib, halatang pinaghandaan. Hahaha!!!!
And now, here are the most finest and funniest parodies na nagpapaganda sa longest-running gag show in the land:

1. Ang Dating Doon (Alien!!!!) - Magandang segment to for me kasi lagi nilang kinakanta ang theme song ng Voltes V. At syempre may taga-tanong at taga-sagot. May tatlong preachers-kuno pa sa show imitating Bro. Ely Soriano. They are Brod. Pete(Isko Moreno), Bro. Willy (Cesar Cosme) and Bro. Jocel (Chito Francisco). Antukin pa nga yung isa sa mga yun eh!!!! Hahaha!!!!


2. 4 Oras (Perwisyong Totoo!) - Eto yung pinaka-hit noong wala pang IyoTube segment. Pawang mga kabaliwan lang ang balita dito. At yung favorite ko dito is ung Chaka Minute Portion ni Papaya Guano (imitating Pia Guanio) tapos sabay raise yung liki2 nya na may curly hair. Proud siya sa kanyang leki2 kasi purong-puro daw ang amoy. Hahaha!!!! Ehem2!!! Excuse me po!!!


3. Malakanyang - Ahmmm....May pinakanakakatawang part kasi dito sa Malakanyang. Kasi pag umupo si GMA, parating tumatalon. At pag may SONA kasi, parati nyang pinapatamaan yung mga Politicians and Artist na din. Hahaha!!!! Kakatawa din yung nag-meet sila ni Osama Bin Laden-kuno. Kunmanta tuloy siya ng "That's a lie! lie la lie la la la lie...." Hahaha!!!!


4. Bakokang - Hahaha!!!! Ang laki ng ilong ni Bitoy!!!! Yung naabutan ko lang dito eh yung nanganak si Bakokang tapos biglang naging bakla yung mga anak nya. Syempre bakla ang nanay eh. Hahaha!!!! Nakakatawa kasi magkamukha na sila ni Diego nung time na yun kaso may diperensya yung ilong at ang nguso. Hahaha!!!


5. Marilawin (fusion of Marinara And Mulawin) - Mommy Daddy!!! Mommy Daddy!!!! Hahaha!!! Ginagaya ko yung mga lines sa portion na to!!!! Kakatawa din yung costume ni Bitoy kasi may buntot na isda na, may pakpak pa!!!! Astig nga eh!!!! Tapos yung Mommy at Daddy nila may lahi ng ibon at isda. Nagkatuluyan sila kaya ang anak nila ay may half-species nung isinilang siya sa egg. Imagine???


6. Betty La Kea - Hahaha!!! i love this one. Labanan ng mga panget ika nga. Tapos ang nagkatuluyan din sa huli, si Sir Armandohhhh... and Betty La Kea!!! Kakatawa nga yung ending niya eh!!!! Humabol si Marcella para pigilan ang kasal. Tapos nalaman na lang niya na nagpa-sex change pala si Marcella (Am I right?)!!! Hahaha!!!


7. IyoTube Segment!!!! - Get to know more about IyoTube in my next blog coming soon. Patikim muna 'tong facts about this portion. Sina Francine Prieto and Maureen Larazabal ang unang nagpasimuno ng portion na 'to. Then nakadiskubre sila ng mga bagong komedyante like Moymoy Palaboy na biglang-sikat na ngayon as the Kapuso Stars!!!! Yun muna ang first clue!!!! *wink

IyoTube Before

IyoTube Now

TO BE CONTINUED...

NEXT SUBJECT: MICHAEL V. ORIGINALS

Compliments of Ramiecute, your No. 1 fan!!!

Saturday, October 17, 2009

Bubble Gang Series Part 3: Commercial Spoofs


Q and A: How many commercials spoofs that Bubble gang made?


*Halos 150 commercial spoofs na ang nagagawa. Yung iba nga halos sa ginagaya nila ay yung latest na product. Ang pinaka-common na brand na ginaya nila ay pagkain. Tama ba ako???


Q and A: What product did Bubble Gang make a spoof?


*Spy Flakes (Sky Flakes), Bel Monte (Del Monte), X (Axe), Tolmux (Solmux), Love (Dove), Choose-Up (Close-Up), Zest Soap, Polka Pola (Coca Cola Litro), Atsing-O-Sol (Astring-O-Sol), Buscopwang (Buscopan), Artecin (Arthricin), Loveraid (Liveraid), NY San Brahams (MY San Grahams), Wcdo (McDonalds), etc.


Q and A: Why did they choose this products?


*Kasi nga mabili sila pag madali nilang natatandaan yung linya ng TV commercial. Tapos nilalagyan nila ng spoof at the end of the commercial para bongga. Ang favorite kong lines ay yung nasa Dove "What? What?"


Q and A: How did they make this Commercial Spoofs more funnier?


*Gumagawa sila ng situation sa isang eksena sa commercial. Kadalasan din may dinadagdag na konting linya bago humirit ang isang character sa ending. May dinagdagan din silang kamalian sa pagpo-portray ng character. Like Rufa Mae did. Nagpabasag siya ng bote sa ulo kaso sa taping pa lang,natatakot na siyang gawin ang stunt na yun.


Q and A: Are these commercial spoofs more effective in endorsing the product?


*Of course,yes! Because may tendency na bibili ka ng isang product tapos gagayahin mo din siya. O di kaya pag kinabisado mo yung linya sa commercial spoof na yun, ibig sabihin favorite brand mo yun.


Q and A: Is there sometimes that these commercial spoofs are more explicit?


*Depende sa gaganap. Kung alam mo nang bastos eh di wag kang manood.


Q and A: Among these commercial spoofs that they did, which is the funniest?


*My Top 5 Favorite Commercial Spoofs:


1. Karen po. (McDonalds)

2. What? (Dove)

3. Putik (Tide)

4. Lagi na lang ako (Tide)

5. Mukhasim Face-tival (Datu Puti)


Q and A: Is there any suggestions in making commercial spoofs?


*Sana maisip nila na gusto nila itong produkto. Makikita naman yan sa TV eh. Kung feel nila ung brand, go for it!!!



Rebyu ko lang yan about commercial spoofs. Sorry if something's wrong in my question. Hahaha!!!


TO BE CONTINUED...


NEXT SUBJECT: BUBBLE GANG PARODIES

Compliments of Ramiecute,your No. 1 fan!!!

Wednesday, October 14, 2009

Bubble Gang Series Part 2: Bubble Gags

Yehey!!!! Sembreak na ako!!! Kung ganun, magblo-blogs muna ako bago pa mag-2nd Semester. And speaking of blogs, I'm blogging about sa mga lugar kung saan ginagawa ng Bubble Gang ang kanilang spoofs. It sounds good to know na match na match talaga sa isang lugar ang mga sitwasyon nila sa buhay.

Well, anu ba ang mga lugar na kadalasan ay nagiging setting ng isang particular na episode? It's nice to know na ang mga sumusunod na lugar na ito ay common nang nangyayari kapag nagbabato ka ng joke. Heto at ililista ko:


1. Bahay - Heto na yata ang pinakamadaming beses na napapanood ko na nasa bahay nila ginaganap ang kanilang gags. Kung susumahin ko, ang pinaka-common na place dito ay ang kwarto at sala. Tama ba ako?

2. School - Pangalawa lang siya sa bahay. Pero depende na sa season ay madalas na ginagawang settings ay sa Library,Canteen at syempre, sa Classroom. Mangugulit na sila sa teacher, marami pa silang matututunan.

3. Malls - Doh!!! Paano ko ba ieexplain to? Madalas sa Sinehan ang napapanood ko dito eh. Pero meron din akong napanood na nasa Department Store o sa Parking Area ng Mall ginagawa ang kanilang Gags. May nagiging bakla,tomboy,babae,lalaki,buntis man o hindi, nakakatuwa siya.

4. Hospital - Hahaha!!! Marami na yan sa tingin ko sa Emergency Room. May eksena pa nga na nagkakamalay na sila tapos tinatanong nila na bakit ako nandito? May common din na eksena sa Ospital na patay na si ganito, ligtas na si ganyan,etc. Tapos, biglang sabi ng doktor," Ay mali pala. Nakatulog lang siya". Hahaha!!!

5. Simbahan - Lalo na sa kasalan, may ganito. Pag sinabing simbahan, may binyagan, lamay at meron din na magco-confess. Ayt? Minsan pa nga yung pari din pala ang nakakatawa. Mukhang eto yung pinaka-favorite ko.


At may okasyon din sa Gags nila. Mas masaya din pag may kasabay na celebration ang isang gag. Here are the Top 5 ocassions na ginagawa ng mga taga-babol:

1. Pasko - Malapit na yan. May Noche Buena, Simbang Gabi at Christmas Party ng barkada.
2. Fiesta - Mas masaya pa sa Pasko. May mga games at minsan kainan din. Galing nga eh.

3. Graduation Day - Hahaha!!! Kakatawa yung nagbibigay ng Diploma tapos yun pala,hindi ka pala makaka-Graduate? Pero mas nakaka-touch din ang okasyon na to para sa mga Teenagers out there.

4. Valentines Day - Heto ang pinakamagandang event sa Bubble Gang. May Blind Date pa at eeksena si kupido tapos papanain si Diego. Hahaha!!! Joke lang yun.

5. Haloween - Nakakatawa pero nakakatakot. May pagandahan ng costume pa at magtatakutan silang bigla. Tapos si Diego,kahit hindi na nakamaskara,nakakatakot na. Hahaha!!!


Ang saya ko noh? sana kayo din.




TO BE CONTINUED....

NEXT SUBJECT: COMMERCIAL SPOOFS
Compliments of Ramiecute, your No. 1 Fan!!!

Friday, October 9, 2009

Bubble Gang Series Part 1 : Bubble Gang Every Now And Then






Yipee!!! As I promise, I will start my Bubble gang Blog Series. And it starts with a big laughing trip. Nakakatuwa ding isipin na nakakaloka din ang lahat ng segments ng Bubble Gang. Every now and then, walang katulad ang isang gag Show something like this.

Now, I'm gonna try kung ano na ang pinagbago ng Bubble Gang 14 years ago:

It was started last October 30 (exact date when Bubble Gang turns 14 years!!!) 1995 at around 7 PM. Teaser pa lang nila, natatakot ako nung una kasi akala ko Horror Show. Eh yun pala, Comedy Show kasi malaki pa ang mata ni Michael V. pag nagpapalobo ng Bubble Gum. Hehehe!!! Kung susumahin siguro, 10 pa alng ang cast nito. Ngayon biglang may dumagdag di ba?

Anyway, about the concept of the show. Most commonly, ang isang gag show syempre, may isang joke sila in a particular scene like Bubble Gags segment did. Hanggang ngayon, nag-iisip pa rin sila ng bago just to make sure na hindi pa din laos ang tagpuan sa isang gags. May mga segments (something original and something na panggaya lang) na nagbibigay ng flow para mas gumanda ang isang comedy. Hindi na mawawala yun kasi palagi naman sila nag-iisip ng mga bagong trip o mga bagong show na gagayahin nila. By the way, kung noon, may Myusik Tagalog Bersyon (MTB) at Music English Version (MEV), may IyoTube na ngayon. Alam nyo kung bakit? Kasi ang mga translated songs, it's either bastos man o hindi, ay may limitations din. Sabi nga ni Bitoy, hindi lahat ng kanta na ginagaya niya is madali niyang ma-translate. Kaya may IyoTube na nakasalang dyan para mas gumanda ang musicality ng show. Ang IyoTube segment before is more on practical tips about girls, tapos nang madiskubre nila ang Moymoy Palaboy ay nagbagong bigla ang concept from Instructional to Musical. Am I right or wrong?

Next stop is mga bagong pauso na Gag Presentation. Kalimitan ay pawang mga kabaliwan sa buhay-buhay ang theme ng kanilang Gags. At ngayon nga may kabaligtaran na siya eh. Kita mo dun sa isang Gag, na ang gulay ay nakakalasing at ang alak ay naging healthy,di ba ang weird nung una? Pero as I watched it, naiintindihan ko na kung bakit ganun ang nangyari. Hahaha!!!! May favorite nga akong gags na may reversal siya, yung tunay nilang anak na ginawa nilang ampon ay hindi makapaniwala sa nalaman niya na hindi siya ampon. Dahil dun,naghanap siya ng pekeng magulang. Hahaha!!!!

Kakaloka naman!!! Anyway, ang susunod naman ay ang closeness ng bawat cast and crew. Hindi matatawaran ang kanilang effort sa pagta-take ng video kada episode. Kahit pagod man,puyat man o gutom man, madikit pa rin ang samahan nila. I remembered yung sinabi ni Cesar Cosme (one of their biggest boss in Comedy Team) na hindi matatawag na isang Gang kung hindi sama-sama at hindi marunong makisama ang isang cast and crew. Naappreciate ko yun! Kasi nga ang Bubble Gang ay samahan daw ng mga tarantado (what a harsh word!) at mga sira-ulo para magpasaya ng maraming tao. hanggang ngayon, they are working as a team and winning as a team. Nice story!!!

TO BE CONTINUED.....

NEXT SUBJECT: THE BUBBLE GAGS

Compliments of Ramiecute, your No. 1 fan!!!

Saturday, October 3, 2009

Moymoy Palaboy in Cebu

Wow!!! Ibang blog naman to because I'm talking about the Dynamic Duo Moymoy Palaboy while staying in Cebu last Wednesday I think. They are making a commercial shoot for Winrox Bleach. At halos nawiwindang ako dahil sa habit ng dalawang magkapatid na toh!




According to Roadfill's Plurk account, nag-stay-in muna sila sa Mocrotel. Mukhang napagod sila kasi 4 AM pa ang Flight nila. Tapos, they started to done their second TV Commercial from 7 AM to 11 PM. Grabeh!!!! Pero halos nakita ko na yung concept ng kanilang Commercial. After their Commercial Shoot, nakipag-jamming pa sila sa Shangri-La Plaza Hotel. James aka Moymoy singing with the band and the duo made their dance no. (NOBODY NOBODY BUT YOU). At nag-enjoy naman sila sa kanilang gigs.






Mukhang eto na lang muna ang isha-share ko about their trip in Cebu. Mukhang dito na tumaba si Roadfill kasi enjoy niya ang pagkain doon. Hehehe!!!! Watch out for their next TV Commercial brought to you by Winrox Bleach (Sosyal! Supportive ang lola mo! hehehe!!).

'Till next time!!!!

-Ramie

Friday, October 2, 2009

BUBBLE GANG TURNS 14

Kamustasa mga Kapuso!!!! Kala mo joke noh??? But it's true, the Philippines' longest-running gag show in the land turns 14. Parang Valentines Day lang noh? And because of that, I'm gonna make my 10-part blogs about my favorite show, Bubble Gang!!!! Yehey,may tribute na din ako!!!! Anyway, my blog has something to do with recall all of the episodes from 1995 'till present. At kulang na lang, hahabulin na nila ang Eat...Bulaga! dahil sa katagalan na din ng pagsasahimpapawid nito.

Here are my 10-part Bubble Gang Blog Series na talagang kinatutuwa ng nakararami. I'm keep on trying to look at some infos about the show itself. Just wait for the following post:

1. Bubble Gang Every Now and Then
2. The Bubble Gags
3. Commercial Spoofs
4. Bubble Gang Parodies
5. Michael V. Originals
6. The Cast and Crew
7. Bubble Gang Discoveries (I Think Moymoy Palaboy is included here)
8. Ang Spoiled Turns to A Box-Office Movie
9. IyoTube Portion
10. Bubble Gang In The Eyes of Ramiecute

I hope na magustuhan nyo po ang aking munting handog para sa mga ka-babol out there!!!

Peace out guys and I hope na sana ay may makabasa nito even Roadfill can appreciate this special blog.

FIRST SUBJECT: BUBBLE GANG EVERY NOW AND THEN

Compliments of Ramiecute, your No. 1 fan!!!