Monday, August 24, 2009

Turumba Day

Ramie's back again.

Hay ang sarap palang sumama sa turumba. May nagsasayawan,may nagkakantahan,at siyempre may banda pa!!!Sosyal di ba? Pero may naisip ako nung una akong tumira dito sa Teresa way back 1997. May malaking simbahan dyan na dinaanan namin nung bata pa ako. may malaking drawing pa un ng mukha ni St. Rose of Lima. Tinanong ko ung mama,sino po un? Si mama Mary po ba un? Tapos sinabi niya, hindi naman eh. Kaya nalaman ko na siya pala ang Patron dito.

Ang dating pangalan ng Teresa (my hometown) is Sta. Rosa. At sakop pa siya ng Antipolo. Nung 1919,pinalitan siya ng Teresa at siya ang Patron Saint namin. So,nothing's changed. Madalas din na naikwento dito na ung bayan namin is actually a rural place. At hindi pa uso ang FR Cement (Company under LaFarge Semento) dahil ang ikinabubuhay lang nila before ay pagsasaka.

Compare their life yesterday and today. Madami na din ang nagbago sa buhay ng mga taga-rito (ginawa na namang R ang D haneh???). At ang tangi nilang maipagpapasalamat sa lahat ng mga pagbabagong un ay ang Turumba sa Birhen ng Teresa. Yes,we are celebrating the Feast day of St. Rose of Lima. Kakaiba pla ang tipo ng tao dito. May grupo-grupo para makihalubilo sa madaming tao. May iba naman na agaw-eksena like Bakekang (ang babaeng lukring). At ung iba sa amin ay panata na ang ganitong pagdiriwang. And since first time ko lang na sumali dito after 12 years of staying here,na-enjoy ko naman.

Sana nga makasali ako maybe pag malaki na ang kita ko in my worjk or during day-off ko sa duty. By the way,eto nga pala ung jingle namin habang nagtu-turumba kami.

"Turumba, Turumba sa Birhen
Matuwa tayo't mag-aliw
Turumba'y ating sayawin
Puri sa Mahal na Birhen, Sa Birhen!"

-ramiecutepalaboy

No comments:

Post a Comment