Tuesday, August 11, 2009

Cory Magic (My Last Tribute to Tita Cory Aquino)


"The Icon of Democracy". Yan ang taguri sa kanya ng buong sambayanang Pilipino. Pero paano ba natin siya pasasalamatan sa lahat ng mga sakripisyo na nagawa niya para ibalik ang demokrasya ng Pilipinas?

Since hindi ko pa naabutan ang EDSA People Power Revolution at ipinanganak pa ako 4 years later,nararamdaman ko na ang kanyang prinsipyo sa pagpapalaganap ng demokrasya ng ating bansa. Kung ako lang ang tatanungin,pwede na natin siyang ikonsidera na maging isang Bayani ng Demokrasya. I agree also na maari siyang maging Santo,unless may nagawa siyang milagro sa atin. Can you imagine?Naalala ko ung kantang "Tie a Yellow Ribbon". At napag-alaman ko na kaya ginamit yang kanta ay para kay Ninoy for the promise na kung gusto mo pa akong makita ay magtali ka ng dilaw na laso. Ang sweet noh? At naging bahagi na din ito ng campaign for being the Presidential Candidate for Snap Elections. Naging sagisag din ang Yellow Confetti para sa protesta para kay Marcos na umalis na siya sa puwesto. Malaki din ang naitulong ng Yellow its because they are shouting for justice and freedom.

Nung natalo siya sa Snap Elections ay hindi ito natanggap ng maraming Pilipino sapagkat ay may halong pandaraya at pawang kasinungalingan lamang ang pagkapanalo ni Marcos. Sa tingin ko lang,ganito na ang sakit ng mga mambabatas sa ngayon eh. Masyado ata silang masilaw sa kayamanan kaya sila gumawa ng ganitong paraan para si Marcos ang nanalo,pero hindi naman ganun totally ang lumabas na resulta sa NAMFREL(National Movement for Free Elections). At dito na nagumpisa na ikondena ng mga ka-alyado ni Marcos, lalo na sa simbahan na bumuo ng isang rebolusyon upang pabagsakin ang mga Marcos. Naging makatarungan at makabuluhan naman ang nangyaring rebolusyon. Nailuklok nila si Cory na kung dati ay simpleng maybahay lang ni Ninoy. Doon ko lang na-realize na kaya siya ang napili ay para na din sa promise ng kanyang asawa na balang araw ay magiging Pangulo din siya. Si Ninoy ang may ambisyon, pero ipinagpatuloy niya ito alang-alang na din sa kapakanan ng Sambayanang Pilipino.

Gusto ko 'tong ishare sa mga hindi pa ipinapanganak at sa mga nakaabot pa sa panahon na 'yon just for remembering this remarkable event in the history na pwede pa nating ipamana sa mga susunod na generation. Maganda din ang naging feedback ng mga kritiko sa panunungkulan niya dahil sa kagandahang loob na ipinamalas niya sa kapwa. Maganda din siyang halimbawa ng isang Maka-Diyos dahil hindi niya kinalimutan ang Panginoon sa mga nangyayari sa kanya at sa bayan.

Nung August 1 ay nabigla ako at napapaluha sa labis na kalungkutan dahil wala na si Tita Cory. Tama nga ang sinabi ni Kris na madaling magpaalam pero mahirap din palang gawin ang pagpapaalam sa kanya. I also remember her last speech na nagsinungaling si Kris na they are okay. Yun nga ang naging sermon ng pari last Sunday eh. Sinabi niya na pag may tao na namatay ay dun nila maiisip na tama ang mga payo ng magulang sa anak at lubos din nilang pinagsisihan ito. Ganun talaga,kasi pag mabuti nga naman ang ginawa ng isang taong importante sa'yo,madali mo din maibabalik ang mga naitulong niya sa'yo. Ayt?

I have no intention to hurt anyone. I wrote my blog because madami din akong gustong ipagpasalamat kay Tita Cory. I just want to thank God for giving her as a life-saver in times of sorrow in our nation. And also, I want to thank her family dahil siya na ang Pangalawang Ina ng ating bayan. Sana ay pahalagahan din nila ang naibilin sa kanila na magmahalan sila sa isa't isa. Nagpapasalamat din ako sa mga nakiisa noong EDSA 1 dahil kung hindi sa kanila ay malamang wala na din ako sa mundong ito. At higit sa lahat, salamat Tita Cory na naging bahagi ka ng ating kasaysayan at natulungan mo kami na magkaisa sa oras ng kahirapan at kaguluhan. You're such a great hero. You deserve it. And you did your job well don for the entire nation. You are sending a message for all of us especially sa mga batang kagaya ko na mahalin at ipagmalaki natin na isa akong Pilipino. I love you po and you may now rest in peace. ^_^

- Jessica Borrome,proud to be Pinoy!!!!

No comments:

Post a Comment