Monday, February 15, 2010

ANG MGA PALAD NG BUHAY (excerpt from Fr. Bien's Homily)


May apat na estado ng buhay, ang "Mapapalad", "Pinalad", "Kapus-Palad" at "Sawing Palad". Ngunit, saan ka ba napapabilang sa mga ito? Kilatisin ng mabuti at pagmasdan ang buhay ng bawat estado.


1. Mapapalad - Sila ang mga taong sobra sa yaman. Kilala at promenente ang mga pangalan nila. For example, Zobel, Ayala, Lopez, Tan, Gokongwei, Coguangco, atbp. Madalas ay may malalaking bahay at madami din silang magagarang kotse. Nagtapos din sila ng pag-aaral sa mamahaling eskwelahan. Nakakapasyal sila sa ibang bahagi ng mundo. Di naman halata na sila ay mayayaman dahil kilala din sila sa larangan ng negosyo, politika, atbp. Kaya madalas ay ginagamitan nila ang pera para maging makapangyarihan sa anumang bagay.


2. Pinalad - In short, mga may kayang tao. Nakakalamang naman sila ng konti kaysa sa mga kapus-palad dahil sa dami ng kanilang luho. Ang mga anak ay nakakapag-aral sa mga exclusive schools. Nakakabili din sila ng mga gamit tulad ng damit, sapatos, cellphone, laptop, ipod, PSP, atbp. Madalas din silang nakikita sa mga establishments like SM, Starmall, Shangri-La, Trinoma, Glorieta, Eastwood, etc. Madalas din silang kumakain sa mamahaling restaurant gaya ng Starbucks, Jollibee, McDo, etc. Nakakatira din sila sa mga apartment. At lalo na, di nila alintana na sila ay hindi nauubusan ng luho hangga't may dumarating pang mga biyaya galing sa langit.


3. Kapus-Palad - Kilala sila bilang mga ordinaryong mamamayan. Simple lang ang kanilang buhay. May nakakain, may natutulugan, at may hanapbuhay na makakatulong sa kanilang pamilya. Sapat na sa kanila na may damit na second hand na bili pa sa ukay-ukay, Divisoria, Greenhils, 168, Ynares, at marami pang iba. May oras din sila na makapaglibang kahit sandali lang. For example, lalabas sila para pumunta sa mall at magpahangin. Minsan pa nga, may kasama sila bestfriend na galante sa budget at sa kanya na lang kakapit para makalibre. Sila din ay tinatawag na social climber sa Ingles. May time sila para makipagkaibigan para maging maimpluwensiya sa kanilang kultura. kung minsan ay sila ay mga spoiled brat aof the new generation dahil sila palagi ang masusunod.


4. Sawing Palad - Sila ang mga tao na walang-wala. Walang makain, walang matutulugan, walang hanapbuhay, as in hindi nila nagagawa ang gusto nila dahil wala silang kayamanan kundi ang buhay nila. Madalas silang natutulog sa kalye at humihingi ng limos sa kung sinu-sino. Minsan, naiisip nila, sana may tutulong din sa kanila. Gaya ngayon at eleksyon na naman. Gusto nilang mangyari ay magbago na ang sistema ng pamahalaan sa Pilipinas. Ngunit sa kabila ng hirap ay nagagawa pa rin nilang tumawa. Unlike other people, kuntento na sila sa kung anung meron sila ngayon. Pero sila din ay mapapalad sa larangan ng pananampalataya dahil ang Diyos ang gagabay sa kanila sa pagharap sa anumang pagsubok sa buhay.


Now, think of yourself. Saan ka ba napapabilang sa mga ito? Masaya ka na ba sa mga natatamasan mo? O may kulang ka ba sa kung anumang meron ka ngayon?


If you want to respect to others, be the first to show it. Love each others no matter who you are. Help to each other no matter what happen to us. And most of all, don't forget to praise God and thank Him on making you a better person. Be the one who will change your fortune. Because your future is in your hands.


How sweet naman. Thanks Father Bien for your very beautiful words of wisdom. So, you better think of yourself before you judge to others as well as your love ones. That's all. ^_^


- Ramiecute

No comments:

Post a Comment