January - Naging maganda ang pasok ng New Year ko. Yehey!!! Madami din ang nagbago nung bagong salta pa lamang ako sa Forums. Feeling ko, na-outcast ako dahil nga wala akong hilig sa computer. Pero ngayon, nahuhumaling na ako sa computer dahil sa kanila. Na-miss ko yun. Hahaha!!! Nung nakilala ko sio Graceth Dela Cruz (aka Cholate Ceth) via Multiply, unti-unti ko nang natutuklasan ang mundo ng Palaboy. Hahaha!!! Thanks for everything.
February - What a busy days nung CWTS class ko. Madalas na akong gumagawa ng pinapagawa sa akin ni Renante Comia (my classmate). Dito na kami mas naging close ng mga bestfriend ko na sing cute ng langgam (joke!!! Hahaha) at napakabait nila sa akin. Feeling ko, hindi na ako nag-iisa sa school kasi andyan sila palagi. Hindi sila nakakasawang kasama. Love you Juicy!!!!
March - Sa wakas!!!! Natapos na ang pagiging Freshmen ko!!! Fresh na fresh pa sa aking brain ang masayang bonding with my Juicy at eto na din ang huling buwan na makakasama ko ang TLE Majors (Miss you all lalo na kay Che). Madami na din akong masayang experience nung time na yun. Uso na sa akin ang salitang "Palusot" dahil dumadami na ang aliby ko. Nakabili din ako ng CD nila James at Rod (aka Moymoy Palaboy) sa SM Taytay. At nag-umpisa na din ako ng countdown to May 16 (anung meron? Hahaha!!!). Dito na din ako naging bihasa sa pagu-unyt. Dami kong kausap nun lalo na si Yiel at Gelu. Hahaha!!! Thanks girls!!!
April - Ang pinakamasaklap na buwan para sa akin. Biglang nagkasakit ang nanay ko. Sobrang na-miss ko siya nung nasa bahay ako ng lola ko sa QC. Huhuhu!!! Palagi siyang nagno-nose bleed pag tag-init. Kaya nagpakabit na kami ng aircon. Halos hirap na hirap siya nun sa paghinga kaya kulang na kulang ang tulog ko sa pag-aalala. Mahal ko kasi ang nanay ko kahit inaaway ko siya. Ouch!!! Pero salamat na din sa mga Forumers na nagdasal para sa recovery ng nanay ko. Nagta-take na siya ng medicine instead of surgery kasi mahirap lang kami. Salamat ha?
May - Ang pinaka-exciting na buwan para sa akin. Madami ding kaguluhan ang nangyari sa buwang ito. Umalis ang aking tatay papuntang probinsya. May kaklase ng kapatid ko na naglayas. May umaalingasaw na amoy ng basura every afternoon. Hassle noh? Pero ang pinakamagandang moment ko sa buwan na ito ay ang pagkikita namin ng favorite ko. Inindian ko muna yung Reunion kuno ng Batch namin nung High School para lang makapunta sa Robinson Metro East. Hinatak ko pa ang nanay ko. Sa sobrang excitement ko, biglang speechless ang lola nyo nang makaharap ang duo itself, MMP to the Roadfill yeah!!!
June - "I've Known you for so long,you are a friend of mine." Alam nyo na!!! Inaabangan ko na ang All My Life during these days. Super cheesy nila Aljur at Kris. Dito ko na sila mas lalong nagustuhan. Naabutan ko pa minsan yung "Dapat ka bang mahalin?" ay super bagay talaga sila. Share ko lang. Hehehe!!! Pasukan na ulit kaya madaming twist. May hatian at laglagan pa sa klase namin dahil na din sa dami ng population namin. Tuloy, na-insecure ako at bakit pa ako bumalik sa section na pinagkait sa akin. Dito na uso ang AH1N1 kaya bitin din ang regular classes. Pero ang mas nakakatuwa naman dito ay ang mapanood ang duo na nagsasalita na. Congratulations!!!! Palakpakan!!!
July - Dito na nauso ang pagpapagupit ng buhok. Nang sumikat ang kantang "Nobody" ng Wondergirls, natutuwa na ako sa mga kantang Koreano. At dito din sumikat ang "Fire" kung saan kasali sa Girl Group ng 2NE1 na si Sandara Park. Nakakagulat din yun!!! Dito din ang time na nami-miss ko na ang friends ko galing ng Hawaii. Na-miss ko na din ang bingo ni Nanay at lalo na angpinakanakakatawa, nag-post ako ng sarili kong video sa YouTube!!!! That was nung birthday ni Kuya Moymoy. Nag-thank you naman siya kasi nagustuhan niya ang boses ko. Hahaha!!!
August - Dito na ako nag-umpisa na magkaroon ng blogsite here in Blogspot. May Twitter na, may Plurk pa!! At hindi din mawawala ang Facebook na ngayon ko lang na-enhance dahil sa mga Apps nila. Dito na kami naghiwalay ni Friendster kasi laos na siya. Bwahahaha!!! Dito ko din naisulat ang pinakamagandang regalo na maibibigay ko para kay Roadfill, ang isang tula. How sweet!!!
September - Ang pinaka-horrible na buwan sa kasaysayan ng Pilipinas. Nang tinamaan ng Bagyong Ondoy ang bahay namin, parang wala lang. Signal no. 2 pero walang baha, puro hangin lang. Nakakalungkot din ito para sa aming lahat. Dahil dyan, isang linggo kaming walang klase. Namomroblema pa kami sa presentation sa EDTECH at LITERATURE 1. Asar talaga!!!! Pero salamat na din kay God dahil hindi kami binaha dito. Although, ang kalahati ng subdibisyon namin ay lagpas tao ang tubig kaya maigi naman na safe kami dito.
October - Hay salamat, Sembreak na!!! Kaso biglang two weeks ang sembreak namin. Kaasar noh? Hahaha!!! Kaya lagi na lang ako ang laman ng bahay ni April Arada (my best friend). Kainan, galaan at chikahan kami with her family. Halos di pa ako nakuntento, nagkita kami ni Jollibee at nakanood pa ako ng shooting ng Pasa-love ng GMA sa may bandang Sagbat. Trapik na nga kami pabalik oh. At marahil ay hindi nakakapagod na pumasok sa ngayon dahil pirmahan ng clearance at habulan pa sa requirements. Sobrang hectic ng sked ko.
November - Eto ang pinaka-grabeng buwan for me. Because of our schedule, nagkagulo-gulo na ang mga pangyayari. May exam everday at bonggang-bonggang recitation. At isa pa, may reporting pa. Pero ang masaya dun ay night shift kami. Kaya ako naman ang ginagabi ng uwi. Hahaha!!!! May usong tindahan na nga sa loob ng classroom kaya hindi ako nagugutom. Hahaha!!! Eto din ang muli naming pagkikita ng aking mga ka-Juicy!!!!
At may dagdag pa!!!! Dito kami nagkita ng ibang mga Forumers nang dahil sa pizza. Sobrang kakrung-krungan ang ipinamalas ko samga bagong kaibigan lalo na nung kasama ko ulit si Roadfill!!!! Ayiee!!!! At nag-take home pa ako ng isang pizza. Na-meet ko din sina Amielle, Ate Lanie, Ate Cath, Anot, Kuya Doy, Ate Haya at si Doc Rivera!!!! I love it!!!
December - Ang pinakamasayang buwan sa taong ito. Kasi birthday na, Christmas Party pa!!! Yahoo!!! I love the gifts from my friends especially kay Ate Hannah Laguardia (Thanks sa sapatos!!!) at nag-concert pa ako sa harap ng madlang tuta. Hahaha!!! Ang dami kong nameet na friends at close naman kami (Si Jeshimon, assuming na magiging close kami. Joke!!!Hahaha!!!). Naki-party din ako sa Party sa amin nang dumating ang pekeng Santa na naiwan pa ang balbas. Hahaha!!! At palapit na ang New Year!!! Yahoo!!! Daming bago ngayon kaya happy ako at dumami na ang nangyari sa akin. Di ko na pahahabain toh.
AT DITO PO NAGTATAPOS ANG TAONG 2009. SANA MAULIT MULI AT MAS SUMAYA PA ANG 2010. BAGONG DECADE NA TAYO KAYA FIGHT FTW!!!!
Blog by: Ramiecute