Sunday, November 28, 2010

One Sweet Experience at Bahay Aurora

Long time no see! Anyway, I have to share this memorable experience. And since kahapon pa siya ginawa, naging masaya at makabuluhan din ang Early Christmas Gift namin para sa mga bata ng Bahay Aurora (FABKI Foundation). It's just 35 minutes away from my house. Nasa Baras, Rizal ang address ng bahay ampunan na yun. Katulong din namin ang ka-batchmate ng kapitbahay ko from the Philippine Coastguard. Sila ang nag-provide ng games at kami naman ang sa pagkain. Nakikita namain sa mga mukha ng mga batang paslit ang pananabik sa aming pagdating. Halos nawala ang stress namin sa paglalakbay nang makihalubilo kami sa mga bata. Napaka-energetic at talented din ang mga bata habang nagpapalaro at may special number pa silang inihanda para sa amin. Nakangiti na nga ako halos nang umuwi ako ng bahay. At least, may patutunguhan din ang pagdalaw sa mga batang ito. Parang gusto ko na silang iuwi sa sobrang cute at talented nila.

Na-appreciate ko din ang pagtulong ko sa kanila. Last time na pumunta kami dito ay nung High School pa kami ng kapatid ko. Ang mama ko ang nag-suggest na sila ang piliin naming maging beneficiary ng aming Community Service. At kita nyo naman, masaya kami nang puntahan namin sila before kami grumadweyt. Sana lang yung Batch ko ngayon, ganito din ang naisipang idea para bago pa man kami grumadweyt, at least nag-share naman kami ng blessings namin after our success in studying. Isa itong napakalaking pasasalamat ko para sa lahat ng biyayang pumasok sa buhay ko.



If you are willing to help these children, you may visit them at Brgy. Santiago, Baras, Rizal. Or you can visit their website at http://www.bahayaurora.nl/eng/index.php for more information. Salamat sa pagtulong!

- Jessica Ramiecute