Hello Philippines and hello world! Nakaraos na din ako sa enrollment. Mahaba ang pila simula pa nung Lunes. Halos kinalimutan ko munang kumain, makakuha lang ng assessment form. Nung araw ng enrollment, mahaba pa ang pila at ang bagal pa ng transaction. Super hassle talaga. Pero sa pagtitiyaga ko at sa pagtitiis ko, nakakuha na din ako ng schedule. May iba lang akong napuna sa sistema ng pagpapa-assess ng aming course. Bakit tila paiba-iba kayo ng strategy para umayos ang sistema naming mga estudyante? Nag-iisip pa ba kayo ng panibagong paraan para umayos din ang daloy ng pila? Yung iba nga, maagang-maaga pa pumila makakuha lang ng assessment at makabayad na agad. Sa totoo lang, wala namang nagbago eh! Almost the same pa rin since pumasok pa ako sa university. Ang punto ko lang (sorry sa matatamaan), yung mga sumisingit at halos binili na yung puwesto sa pila, aba'y mag-isip naman kayo! Paunahin nyo na yung mga maagang pumunta at saka na kayo umepal sa Registrar para tapos na ang gusot!
Forget about that. Next naman, sa pila papuntang cashier. May tatlong lane para sa pila,isa para sa mga may-utang, ung isa para sa magbabayad (either 50 percent or fully paid), at yung isang lane ay para sa mga pipirma pa ng clearance.Halos abot hanggang COE Park ang pila dahil sa sobrang haba.Matutulog na nga ako sa kakapila dun eh. Nagstart na ang bayaran ng 8:45 or 9:00 AM. Buti na lang talaga, ang aga kong pumunta at nagawa ko pang magradyo habang nasa pila. Nakaktulog pa nga ako ng nakatayo kasi konting sandal palang sa pader, tulog na agad ako. Sana naman, amtuto na kayong mga estudyante na magtiis at maghintay sa pila.At dapat lang na magbayad kayo kahit may balance ka pa para wala na kayong problema.
At sa huli, yung schedule slip, may pledge of admission pa. Para saan ba yun? At wala pang pa silang paliwanag abaout sa paghahati-hati ng aming section sa dalawang grupo. Nakakaloka talaga. Bakit wala pati kaming prof? As in, blangko talaga. Buti na lang, hindi pa ako papasok next week.At bigla namang sumakit ang ulo ko sa schedule ko. Pang umaga talaga ang pasok ko. Madami na naman akong iiwanang bagay na may kaugnay sa umaga. Kakalungkot, pero sanay na ako dyan since day 1 palang.Hopefully, makakabawi din ako next time. Ika nga, may kasabihan kasi, "Early bird eats early breakfast".
Yun lang siguro ang isha-share ko. Madami pa akong aasikasuhin sa panahon na ito lalo na ang thesis namin. Sana matatapos ko siya on or before October 26. Pray for me na makakaraos na din ako sa 3rd Year ko. God bless! ^_^
- Ramiecute