Ang blog na ito ay idini-dedicate ko sa lahat ng mga nasalanta ng bagyo sa nakalipas na araw. I want to write it because nararamdaman ko din ang takot sa tuwing may darating na bagyo. Since Bagyong Milenyo pa, nakakatakot na talagang lumabas ng bahay lalo na pag Signal No. 3 pa sa lugar ko. I can't imagine na ganito pala ang mangyayari pag matindi na ang hagupit ng bagyo. OMG talaga!!!! Isha-share ko muna ang mga naranasan ko habang may paparating na bagyo. And I will state it by year kasi halos nakalimutan ko na din ang pangalan ng bagyo kaya petsa na lang.
1996
Mahirap pa alng kami sa Antipolo kasi maliit lang ang bahay namin at paupahan lang ang kinatitirikan namin. Nag-brownout sa bahay namin at may sakit pa ako nun. Halos masuka-suka ako nun kasi ang tindi ng sakit ko kaya pinag-pray na lang ako ng mama ko. Nung mawala na yung bagyo,magaling na ako. Hehehe!!!!
2000
Bago pa lang ako dito sa bahay namin pero nakakapangilabot din. na-experience na namin na mawalan ng kuryente,mawalan ng pagkain at lalo na mawalan kami ng tubig in just 6 days. natapat man din siya sa birthday ng nanay ko. At natandaan ko pa na bumagsak yung giant Christmas Tree kasi malakas talaga ang hangin. Grabe talaga! Panic na ang lahat ng tao. Binagsakan pa kami ng puno ng Narra at tinamaan pa kami ng bonggang bongga ng malakas na kulog at kidlat. Shocks!!!!
2006
Bagyong Milenyo pa toh. Pero mas matindi pa ang hagupit nito kasi halos putik-putik n ang kalsada namin(thanks to the stupid Senator na nagpagawa ng kalsadang yun). At nung nag-aayos pa kami ng bubong ng bahay,biglang nagpagulong-gulong na ang bato at kamuntik nang matamaan ang nanay ko. Then,bigla na lang nahulog ang yero ng bubungan namin. Peste talaga! But thanks to God at buhay pa kami.
2009
This is it!!!! Bagyong Ondoy,ang pinakamalalang bagyo sa kasaysayan ng Pilipinas!!!! Baha na kami dito. And that's not all,pati sa bayan daw,baha hanggang bewang ang tubig. Medyo hindi na din kami makalabas ng bahay at almost 100 people ang apektado ng baha sa place namin. Naranasan na din namin na mawalan ng tubig at kuryente as usual. Pero pasalamat na din kami at hindi naman gaanong baha sa bahay ko. Hahaha!!!! Kaso yung mga classmates ko,nag-aalala ako. Kasi mga taga- Antipolo,Tanay at Taytay ang mga naapektuhan ni Ondoy. At lalo na sa Prinza,hanggang bubong na ang baha. OMG!!!! But nowadays,we are still coninuing to live our life in small ways.
Yun na lang siguro ang maisha-share ko sa ngayon. Sana ay ipag-pray din natin ang lahat ng biktima ni Ondoy. Sabi nga ni Joey De Leon sa 24 Oras yesterday, "Sa lahat ng artist and politicians huwag lang kayo basta magdeklara ng halaga ng ibibigay nyo, tumulong din kayo ng kusa kasi tayo din naman ang nagtutulungan sa oras ng pangangailangan". Very well said.
That's all and have a blessed day to each and everyone of us.
*wink
7 years ago